Garnet Gallardo profile icon
GoldGold

Garnet Gallardo, Philippines

Contributor

About Garnet Gallardo

Domestic diva of 3 adventurous little heart throb

My Orders
Posts(7)
Replies(44)
Articles(0)

Ano Ang kabag

Ano ang kabag? Lahat na yata ng tao minsan sa buhay nila ay nakaranas ng kabag. Ang kundisyong ito ay isang normal na bahagi ng proseso ng digestion. Ayon sa experts tinatayang nasa 20 na beses ang kayang gawing pag-utot ng isang taong may kabag. Samantalang kung hindi naman nailalabas sa porma ng utot o gas, maaari naman itong idighay. Sa mas maraming pagkakataon nasa mild o kaya naman indahin ang kaunting sakit na dala ng kabag. May mga panahon lang daw na labis na ang pagdami ng gas o hangin sa intestine. Ang gas na ito kung hindi mailalabas ay maaaring makapagbigay sa iyo ng pananakit at discomfort. Sanhi ng kabag Marami rin ang maaaring pagmulan kung bakit nagkakaroon ng kabag. Mahalagang malaman ito dahil ang ganitong sitwasyon na halos kamukha ng bloating at flatus frequency ay maaaring lumala at magdulot ng diarrhea o constipation. Narito ang ilan sa listahan ng mga dahilan kung bakit nga ba nagkakaroon ng kabag: Pagkain ng marami. Ang labis na pagkain ay maaaring magsanhi para mahirapang i-digest ng tiyan ang mga ito. Pagpasok ng hangin sa katawan. Karaniwang nangyayari ito dahil sa kinakain o iniinom. Pagnguya ng chewing gum. Ang pagkain ng bubble o chewing gum ay nakapagdudulot din ng hangin sa tiyan. Paninigarilyo. Ang bisyo tulad nito ay maaari ring pagmulan ng kabag. Kung napabayaan, ang kabag din daw ay maaaring maging senyales ng gastroesophageal reflux disease o iyong tinatawag na GERD. Tumutukoy ang GERD sa isang kundisyon kung saan ang acid sa tiyan at iba pang nilalaman ng tiyan ay lumalabas ng tiyan at umaakyat sa esophagus.  Sa mga taong may GERD, kadalasang nakikitang sintomas ay pagkakaroon ng acid reflux at heartburn. Batay naman sa isang case study na ginawa noong taong 2015, ang kabag at pagdighay daw ay ilan nga sa karnaiwang sintomas na mayroong nang GERD ang isang tao. Mga kondisyong medikal na nagdudulot ng kabag Maraming kundisyon ang maituturing na dahilan kaya nagkakaroon ng kabag ang isang tao | Larawan mula sa iStock Mayroon ding mga medical conditions na maaaring makapagpataas ng kabag, bloating at pananakit nito, tulad na lamang ng: Chronic intersinal disease. Ang sobrang hangin ay kadalasang sintomas ng chronic intestinal conditions tulad ng diverticulitis, ulcerative colitis, o Crohn’s disease. Small bowel bacterial overgrowth. Ang pagtaas o pagbabago sa bacteria sa small intestine ay nagdudulot ng sobrang hangin, diarrhea, at pagbaba ng timbang. Food intolerance. Ang kabag o bloating ay maaaring mangyari kapag ang iyong digestive system ay hindi matunaw o ma-absorb ang mga pagkain, tulad ng asukal sa dairy products (lactose) o proteins tulad ng gluten sa wheat o ibang grains. Constipation. Sa constipation ay nahihirapan lumabas ang hangin. Mga sintomas ng kabag Maraming senyales para malamang mayroon ka nang kabag. Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Advertisement Pagdighay Pananakit o pamimilipit na pakiramdam sa iyong tiyan. Pakiramdam ng pagkabusog o pressure sa iyong tiyan Kapansin-pansing paglaki ng tiyan (distention) Paulit-ulit na pag-utot Normal lang ang pagdighay, partikular na habang kumakain o pagtapos ng kumain. Karamihan sa mga tao ay nagkakaroon ng kabag hanggang 20 beses sa isang araw. Samakatuwid, maaaring sanhi ng problemang medikal ang kabag. Paano maalis ang kabag? Kadalasan ang mga pagkain na kinakain natin ang nagdudulot ng kabag. Ang pagkain ay direktang tinutunaw sa small intestine. Samantala, ang mga natitirang hindi natunaw ay binuburo sa iyong colon kasama ang bacteria, fungi, at yeast, bilang bahagi ng digestion. Ang prosesong ito ay gumagawa ng methane at hydrogen, at iyon ang lumalabas bilang flatus o utot. Para sa karamihan ng tao, ang pagbabago sa kinakain ay sapat na upang maibsan ang kabag at mga sintomas nito. Isang paraan upang matukoy kung anong pagkain ang nagdudulot ng kabag ay ang pagsusulat ng food diary o pagsusulat ng lahat ng iyong kinakain. Kadalasan ng mga pagkain na nagdudulot nito ay ang mga sumusunod:   May mga pagakaing nagdudulot ng kabag sa isang tao | Larawan kuha mula sa iStock Advertisement Mga pagkaing mayaman sa fiber Pagkain na mataas sa fats Mga prito o maaanghang na pagkain Carbonated beverages Artificial ingredients na kadalasang natatagpuan sa low-carbohydrate at sugar-free products, tulad ng alcohol, sorbitol, at maltitol Beans at lentils Cruciferous vegetables tulad ng brussel sprouts, cauli flower, at broccoli Mga pagkaing may lactose tulad ng gatas, cheese, at ibang dairy products Over-the-counter fiber drinks at supplements Kapag nalaman mo na kung anong pagkain ang nagdudulot ng iyong kabag, maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng kabag. Ano-ano ang mga gamot sa kabag at mga home remedy para dito? Kung hindi pa rin nakakatulong ang pagbabago sa mga kinakain sa iyong kabag, narito ang ilan sa mga home remedies para sa matanda at bata na maaari mong gamiting gamot para mawala ito: Peppermint. Base sa mga pag-aaral, ang peppermint tea o supplements ay nakakabawas sa mga sintomas ng irritable bowl syndrome (IBS), kasama na ang kabag. Chamomile tea. Ang chamomile tea ay nakakatulong na mabawasan ang impatso, kabag, at bloating at home remedy sa kabag. Ang pag-inom ng chamomile tea bago kumain at bago matulog ay maaaring makabawas ng mga sintomas para sa ilang tao. Advertisement Activated charcoal. Ang activated charcoal ay isang over-the-counter medication upang matulungang maalis ang kabag o hangin na naiwan sa iyong tiyan. Maaaring inumin ito bago kumain at isang oras matapos kumain. Apple cider vinegar. Tunawin ang isang kutsarang apple cider vinegar sa tubig o tea. Inumin ito bago kumain o hanggang tatlong beses sa isang araw hanggang sa mabawasan ang mga sintomas. Physical activity. Advertisement Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong na mailabas ang hangin sa loob ng iyong tiyan at mawala ang kabag. Kung nananakit ito, maaaring makatulong ang pag-jumping rope, pagtakbo, at paglalakad. Lactase supplements. Ang lactose ay ang nagsisilbing asukal sa gatas. Maaaring makabili ng lactase supplements over the counter. Makakatulong ito para sa mga taong hindi nakakatunaw ng lactose. Clove. Isa itong herb na ginagamit panluto. Ang clove oil ay nakakatulong na mabawasan ang bloating at gas sa pamamagitan ng paggawa ng digestive enzymes. Maglagay ng 2-5 drops sa isang 8-ounce na baso ng tubig at inumin pagkatapos kumain. Maaari ring makatulong ang ilang lifestyle changes bilang home remedy sa kabag upang maibsan ang kabag. Ilan dito ay: Pagnguyang mabuti ng pagkain para hindi mahirapan ang iyong stomach na i-digest ito. Pag-iwas na kumain ng chewing gum at iba pang matitigas na candy. Iwasang uminom ng carbonated beverages na maaaring makapagbigay hangin sa iyong tiyan Iwanan na ang bisyo lalo na ang paninigarilyo Siguraduhin na nakakabit nang maayos ang pustiso o dental devices sa iyong bibig Kumain nang nasa tamang pwesto tulad ng pag-upo nang maayos Maglakad-lakad pagkatapos kumain para bumaba kaagad o madigest ito nang mabilis ng katawan.  Iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng kabag o gas sa iyong tiyan.  Iwasang gumamit ng straw sa pag-inom sa halip uminom na lang direkta sa bote o baso.  Gamot sa kabag Sa ilang mga kaso, maaaring kailanganin ng mga Over-the-counter at nireresetang gamot para maibsan ang kabag at mga sintomas nito. Lalo kung hadlang na ito sa maraming gawain mo sa araw-araw. Para sa mga taong mayroong food intolerance ay maaaring uminom ng digestive enzymes bago kumain upang matulungan na matunaw ang mga pagkain. Karaniwang halimbawa nito ay ang pag-inom ng lactase upang matulungan matunaw ang mga produktong may gatas o pag-inom ng alpha-galactosidase (Beano). Malaking tulong ito para matunaw ang carbohydrates, fiber, at protein mula sa beans at mga gulay. Para naman sa mga taong nakakaranas na ng kabag, ang OTC products na naglalaman ng simethicone na makakatulong pagsamahin ang gas bubbles, at ginagawang mas madaling lumabas ang hangin. Ilang halimbawa sa mga produktong ito ay Gas-X, Imodium, at Mylanta. Maaari ring magrekomenda ng mga nireresetang gamot ang doktor para sa mga taong hindi nawawala ang kabag sa pamamagitan ng mga home remedies at OTC medications. Ang mga gamot na nirereseta ng doktor ay iaayon sa underlying condition na maaaring nagdudulot ng kabag. Ilan sa mga gamot na maaaring ireseta ng doktor para sa kabag ay: Gamot upang pamahalaan ang gastroesophageal reflux disease (GERD) tulad ng: Antacids upang maibsan ang heartburn H2 blockers upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan Proton pump inhibitors upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan at tulungang gumaling ang esophagus Prokinetiks upang matukungan ang tiyan na matunawan agad Gamot upang mapamahalaan angirritable bowel syndrome (IBS) Antispasmodics upang maibsan ang pananakit ng tiyan at cramping Laxatives upang matulungang maibsan ang constipation Antimolity medications upang matulungang maibsan ang diarrhea Antibiotics para matulungang gumaling mula sa small intestine bacterial overgrowth (SIBO) Para naman sa gamot sa kabag ng baby, maaari raw subukan ang mga sumusunod: Maging mapagbantay sa kinakain ng bata kung kaya ba itong i-digest ng kanyang tiyan. Painumin siya ng probiotics na may rekomendasyon ng doktor. Pakalmahin ang iba’t ibang senses ng baby. Gumamit ng sound and motion para mapatahan siya sa panahong mayroong siyang kabag. Mga komplikasyon sa pagkakaroon ng kabag Kinakailangang tignang mabuti kung ang sakit ba sa tiyan ay normal na kabag o may mas malalang pinagmumulan pa. | Larawan mula sa iStock Masakit man ang kabag, hindi naman ito nangangahulugan ng seryosong problema sa kalusugan. Sa maraming pagkakataon, normal naman itong nangyayari sa maraming tao. Kung minsan nga ay kusa na lang itong nawawala. Sa kabilang banda, maaari pa ring maging kabaha-bahala ang pamumuo ng hangin sa tiyan. Baka kasi ang inaakalang kabag ay sintomas na pala ng mas malalang sakit pa.  Ang kabag sa kaliwang bahagi ng colon ay maaaring magdulot ng pananakit ng dibdib at maaaring mapagkamalang atake sa puso. Ang kabag naman sa kanang bahagi ay maaari namang mapagkamalan na pananakit dahil sa gallstones at appendicitis. Magpakonsulta sa doktor upang malaman kung mayroong underlying cause ang mga nararamdaman na sintomas ng kabag. Kailan dapat tumawag sa doktor Gaya nga ng nabanggit kadalasan ay hindi naman dapat ikabahala ang pagkakaroon ng kabag. Karamihan naman ay nawawala ang mga sintomas sa kaunting paggagamot o hindi na kinakailabgan pang gamutin. Gayunpaman, kung nakakaranas ng madalas o hindi nawawalang kabag, magpakonsulta agad sa doktor upang magkaroon ng pagsusuri. Tumawag din sa doktor kung nakakaranas ng mga sumusunod: Labis na pananakit ng dibdib dahil baka senyales na ng heart attack o atake sa puso. Gastrointestinal discomfort na hindi nauugnay sa pagkain. Malalang pananakit ng tiyan, diarrhea, o constipation na hindi na kayang indahin pa.  Tarry, o maitim na dumi o rectal bleeding. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.

Read more
undefined profile icon
Write a reply

SIDS PAANO MAIIWASAN

Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome Alamin natin kung bakit mataas ang bilang ng SIDS tuwing sasapit ang bagong taon – anu-ano nga ba ang mga panganib dulot nito at ilang tips kung paano ito mapipigilan para makasigurado sa kaligtasan ng inyong sanggol habang siya ay natutulog! Napapatanong ka rin ba kung ano ang SIDS of ang Sudden Infant Death Syndrome? Narito ang isang gabay para sa 'yo! Ano ang SIDS sa tagalog? Ayon sa pag-aaral noong 2010, ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS sa tagalog ay tumataas ng 33 porsiyento tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ang datos na ito ay base sa 129,090 na kaso ng SIDS mula taong 1973 hanggang 2006. Bakit biglaan ang pag-akyat ng mga kaso ng SIDS? Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng alak ng mga magulang at mga tagapag-alaga ng bata tuwing bagong taon ang nangungunang dahilan. Habang marami pang kailangang patunayan tungkol sa kaugnayan ng SIDS at alak. Sinasabi naman sa pag-aaral na ang alak ang pangunahing dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Ito ay dahil na rin sa nababawasan ang kakayahang ng magulang mag-alaga. Halimbawa, kapag nasa impluwensiya ng alak, nakakalimutan ng magulang na ihiga ang sanggol sa kanyang likuran. Tumataas ang panganib ng SIDS kapag ang sanggol ay nakadapa o kaya nakatagilid dahil sa ganitong posisyon nahihirapan huminga ang sanggol. Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome Alamin natin kung bakit mataas ang bilang ng SIDS tuwing sasapit ang bagong taon – anu-ano nga ba ang mga panganib dulot nito at ilang tips kung paano ito mapipigilan para makasigurado sa kaligtasan ng inyong sanggol habang siya ay natutulog! Napapatanong ka rin ba kung ano ang SIDS of ang Sudden Infant Death Syndrome? Narito ang isang gabay para sa 'yo! Ano ang SIDS sa tagalog? Ayon sa pag-aaral noong 2010, ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS sa tagalog ay tumataas ng 33 porsiyento tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ang datos na ito ay base sa 129,090 na kaso ng SIDS mula taong 1973 hanggang 2006. Bakit biglaan ang pag-akyat ng mga kaso ng SIDS? Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng alak ng mga magulang at mga tagapag-alaga ng bata tuwing bagong taon ang nangungunang dahilan. Habang marami pang kailangang patunayan tungkol sa kaugnayan ng SIDS at alak. Sinasabi naman sa pag-aaral na ang alak ang pangunahing dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Ito ay dahil na rin sa nababawasan ang kakayahang ng magulang mag-alaga. Halimbawa, kapag nasa impluwensiya ng alak, nakakalimutan ng magulang na ihiga ang sanggol sa kanyang likuran. Tumataas ang panganib ng SIDS kapag ang sanggol ay nakadapa o kaya nakatagilid dahil sa ganitong posisyon nahihirapan huminga ang sanggol. Gayunpaman, inaalam pa rin ng mga eksperto kung ang alak ay nag-iisa lamang na dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol o may iba pang dahilan. (e.g. nakalimutang ihiga ang sanggol sa kanyang likuran). Maaari ring isang paghalili sa pagtaas ng pag-inom ng alak (e.g. paninigarilyo). Ano ang sanhi ng SIDS Ang kakulangan sa kaalaman upang malaman ang tunay na dahilan ng SIDS ay nakakabahala. Walang may alam kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Gayon man, ang mga biktima ng SIDS ay nakakaranas ng biglaang paghinto ng paghinga at walang kakayahang maging alerto upang huminga ulit. Gaano man katagal ang ilaan upang malaman ang tunay na dahilan ng SIDS, wala pa ring malinaw na sagot kung paano malalaman ang mga sintomas nito. Bagaman hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Ano ang sanhi ng SIDS Ang SIDS ay madalas na nangyayari sa mga bata edad dalawa, pero may ilang kaso ng biglaang pagkamatay ng sanggol edad isa kada taon. Maaring may kaugnayan ang kasarian dahil halos 3 sa 5 na biktima ng SIDS ay lalaki. Kapag ang inyong sanggol ay lantad sa ilang nakakabalisang bagay (gaya ng nakadapa matulog o sobrang lambot ng higaan) Ipinanganak na kulang sa buwan o mababa ang timbang. Kung ang ina ng sanggol ay nasa edad 20 pababa. Mga sanggol na nakararanas mag-agaw buhay (e.g. namumutla at kinakailangan ng i-resuscitate) Mga sanggol na may inang naninigarilyo, umiinom ng alak at gumagamit ng pinagbabawal na gamot habang siya ay nagbubuntis. Ang mga sanggol na ipinanganak na may abnormalidad (may sakit sa puso, sa utak at may impeksiyon sa panghinga) Mga sanggol na nakakalanghap ng usok ng sigarilyo bago pa man siya isilang. Ang sanggol na hindi nakakatanggap ng maayos na pre-natal check-up. Mga Paraan Paano Mapababa ang SIDS Ang SIDS o biglaang pagkamatay ng sanggol sa tagalog ay magkakaiba depende sa bansa at etnikong grupo, at ang Asya ang may mababang bilang ng insidenteng ito. Sa Estados Unidos, ang SIDS ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng sanggol, bilang isang maunlad na bansa halos 1500 ang nauulat na kaso sa taong 2013 ayon sa CDC. Kilala rin bilang “crib death”, ang biglaang pagkamatay ng sanggol o SIDS ay madalas mangyari habang natutulog ang bata. Ang mga sanggol na namamatay sa SIDS ay walang ipinapakitang senyales. Ito ay hindi sakit o karamdaman. Gayunpaman, ang biglaang pagkamatay ng sanggol ay hindi maipaliwanag sa autopsy, kaya naman SIDS na lang ang ibinibigay nilang dahilan. Habang wala pang malinaw na dahilan kung paano maiiwasan ang SIDS, may ilang pag-iingat ang mga magulang upang mabawasan o mapababa ang bilang ng SIDS: 1. Ihiga ang sanggol na nakalapat ang likod Ang mga sanggol na nakadapa o nakatagilid kung matulog ay mataas ang tiyansang mahirapang huminga. Kaysa sa mga sanggol na nakalapat ang likuran kung matulog. Dahil ang paghiga nang nakadapa ay magdudulot ng hirap sa paghinga at may posibilidad na malanghap ang carbon dioxide na kanilang nilabas at magkulang sa oxygen. At kung nag-aalala ka sa flat spot o pagpatag ng ulo ng iyong sanggol dahil sa sobrang higa na nakalapat ang likod, maari mo naman siyang buhatin paharap sa iyo habang siya ay gising. Sa susunod na si Yaya o si Lola ang gustong magpatulog kay baby na nakaharap, huwag matakot magsabing “Hindi pwede”. At sabihan silang maghintay na lumaki ang iyong anak. Dahil iyon ang panahong kaya na niyang kontrolin ang kanyang katawan. 2. Pumili ng Magandang Tulugan Sa pagpili ng tulugan ng sanggol, laging isang-alang-alang ang matibay na kutson at akmang sapin sa higaan. Pagdating naman sa kumot pumili ng tela na mahimulmol o fluffy hangga’t maari. Siguraduhing walang nakapalibot na unan, kumot o mga laruan na maaring maging sanhi ng pagbabara ng daluyan ng hangin habang tulog ang inyong anak. Kung hindi maiwasang kumutan ang iyong sanggol, mas mabuting pumili ng kumot na makakahinga nang malaya ang iyong anak. Siguruhing ligtas ito kahit pa magkakawag siya sa ilalim nito o mahila niya ito hanggang sa kanyang ulo. 3. Alisin ang mga Bumper Pads Ang pinakamahalaga, iwasang gumamit ng mga bumper pads sa kuna. Sa pag-iwas dito nababawasan ang panganib na baka masakal o makulob ang iyong anak sa kuna. Malayang makakadaloy ang hangin sa loob nito at maari mo pang makita ng walang sagabal ang iyong anak sa loob ng kuna. 4. Matulog kasama ang Iyong Anak Pinagde-debatihan ngayon ang pagtulog kasama ang anak at SIDS, ngunit sa kasalukuyang pag-aaral ipinapakita na mas mababa ang bilang ng biglaang pagkamatay ng sanggol lalo na sa Asya na kung saan ang kultura ay iba, at ang pagtulog nang magkakasama ay tradisyonal na. Bukod sa pinagtitibay nito ang samahan ng pamilya, nakakatulong din ito sa sanggol na makatulog nang maayos. Tiyaking matibay ang kutson. Ang maluwag na espasyo para sa iyo at sa iyong sanggol ay mahalaga. Higit sa lahat walang nakakagambala sa kanyang paghinga. Kung hindi ka pa handang matulog kasama ang iyong anak, maari mo namang itabi ang kanyang higaan o kuna malapit sa iyo. Lagi mong tatandaan na mahalagang paniwalaan mo ang iyong instinct bilang magulang. Ang iyong katawan ay umaayon sa iyong bagong silang na sanggol. Kahit sa munting tigagal o galaw niya ay magigising ka. Advertisement 5. Iwasang Mainitan ang Iyong Sanggol Sa katulad nating tropikal na bansa na kung saan mainit ang klima araw-araw, mataas ang panganib para sa mga bagong silang na sanggol na mainitan sila. Lalo na kung bukas-sara ang aircon sa kuwarto. Mas mabuting bantayan ang mga senyales kung naiinitan ang sanggol katulad ng pagpapawis at mamasa-masang buhok. Tiyaking malamig ang kuwarto ng iyong sanggol, hindi mainit o kulob. Tandaan na ang mainit na alimuom ng hangin ay nagdudulot ng kahirapan sa paghinga. Maliban na lang kung ang iyong anak ay ipinanganak na kulang sa buwan. Iwasan ang patung-patong na damit o pagbalot dito. At para makasigurado, i-check ang temperatura ng iyong anak nang madalas at tiyaking nasa normal na 36 degree celcius lamang it 6. Magpasuso, Magpasuso, Magpasuso Alam naman nating lahat ang benepisyong dala ng pagpapasuso at ang mabawasan ang panganib ng SIDS ay isa rito. Ang proteksiyong dala ng pagpapasuso ay malakas at epektibo. Lalo na kung ang iyong sanggol ay eksklusibong nakakakuha nito sa loob ng anim na buwan. Ang pagpapasuso sa iyong sanggol simula unang buwan ay nakakaiwas sa panganib ng SIDS. Sa tamang pangangalaga, kumpletong bakuna, regular na check-up at isang maayos, malinis na kapaligiran. (malaya sa usok ng sigarilyo, alak at droga) Ito ay makakatulong sa pag-iwas ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Sa kaso ng SIDS, ang paghahanda o pagpigil ay siyang susi sa pag-iwas dito. 7. Paggamit ng Pacifier Hayaang gumamit ng pacifier ang iyong anak upang humimbing ang kanilang tulog. Ang paggamit ng pacifier ay nakakatulong sa sanggol na makahinga nang maluwag. Nangyayari sa Anumang Kalagayan Napakahalaga ang pagsunod sa kaligtasan upang maiwasan ang biglaang pagkamatay ng sanggol o SIDS. Sa pangyayaring marami pa ring sanggol ang namamatay sa kabila ng pag-iingat ng mga magulang. Sana isang araw, malaman natin ang tunay na dahilan ng nakapanlulumong sakit na ito at makahanap ng lunas para dito.

Read more
undefined profile icon
Write a reply

Ang iyak Ng baby ay may ibig sabihin alamin at basahin

Ang “Gutom Ako” na Iyak Sa Dunstan Baby Language, kailangan mong hanapin ang pagkuyom ng kamao o makinig ng mabuti sa tunog ng “Neh” bago umiyak. Kung hindi mo narinig ang tunog at siya ay nag-aalboroto na, mag-ingat sa paulit-ulit na pag-iyak, tulad ng “wah wah wah.” Gayundin, pansinin ang iba pang mga kilos, tulad ng mga galaw ng pagsuso o “pag-hahanap sa paligid” sa suso. Ang Iyak na “Pagod Na Ako” Kung maririnig mo ang maingay, maliit na tunog ng “owh” o “oah”, maaaring  ang iyong sanggol ay pagod at gusto niyang matulog. Kadalasan ang mga tunog na ito ay may kasamang pag-ikot ng ulo, paghikab, at ilang pagkuskos ng mata. Ang “Nasasaktan Ako” na Pag-iyak Sa mga iba’t ibang uri ng pag-iyak sa mga sanggol, maaaring ito ang pinakamahirap para sa mga magulang. Una, ang sakit ay maaaring magmula sa maraming bagay. Sinasabi ng Dunstan Baby Language na kung ang tunog bago ang pag-iyak ay parang “eairh” o “earggghh,” maaaring ang sanggol ay gassy o kailangang dumumi. Ipinahihiwatig din ng ilan na ang kabag ay kadalasang nagpapakunot ng ilong at humihila ng mga binti pataas.  panghuli, may tunog na “eh” bago umiyak. Nangangahulugan ito na ang sanggol ay gustong dumighay. Ito ay maaaring resulta ng pagtatangka ng sanggol na palabasin ang air bubbles na nakulong sa kanilang dibdib.  Ang “May Colic Ako” na Iyak ng Baby Ang pag-iyak dahil sa colic ay matindi na madalas mag-panic ang mga magulang. Karaniwan, mayroon tayong tatlong panuntunan para sa colic. Nangangahulugan ito na ang pag-iyak ay tumatagal ng 3 oras, nangyayari ito ng 3 o higit pang beses sa isang linggo, at tumatagal ng hindi bababa sa 3 linggo. Tumugon sa iyong sanggol sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang white noise, o pagbibigay sa kanila ng mainit at nakakarelaks na paliligo. Sa ilang pagkakataon, maaaring gumana ang “colic carry”. Upang gawin ito, hawakan ang ulo ng sanggol sa iyong kamay at hayaan ang kanyang katawan na naka-rest (nakababa ang tiyan) sa iyong bisig. Ang “Gusto Ko Lang Ilabas” na Iyak Ang “Gusto ko lang ilabas” na iyak ng baby ay kadalasang nagpapahirap sa pag-interpret ng pag-iyak ng sanggol para sa mga magulang. Ito ay dahil ang pag-iyak na ito ay walang anumang dahilan, maliban sa marahil ang sanggol na gustong magkaroon ng isang mahusay na pag-iyak. Ipinaliwanag ng mga eksperto na kung minsan, ang mga sanggol ay parang adults na bumubuti ang pakiramdam pagkatapos “ilabas ang lahat

Read more
undefined profile icon
Write a reply