Kung ako sayo mamsh, dedmahin mo sila. Hanggat hindi sila ang gumagastos sayo at nagpapalamon, dedma lang. Di mo naman sila pinerwisyo. May mga ganyang tao o kamag anak talaga at di mawawala yung sobrang judgemental nila sa isang tao. Ramdam kita mamsh. Kaya much better na, kahit anong marinig mo sa knla hanggat di sila ang sumusuporta sayo balewalain mo. Isipin mo na lang si baby, mas importante yun kaysa sa kanila. Kung kinakailangan na icut off mo sila sa buhay mo dahil di maganda pakikisama at mga pinagssbe nila sayo mas ok yun, magkakaroon ka ng peace of mind. Ang kakaisip nag cacause din ng stress yan kay baby. Kaya wag mo sila isipin para sa baby mo mamsh. Mas mahalaga kayo ni baby kaysa sa knla. Need mong pakatatag kahit ano man ibato nila sayo.
Oo andun na sa point na madame ka nadisappoint kasi nabuntis ka kaagad habang nag aaral, di na nila mababago yan. Andyan na yan, atleast ikaw hinarap mo, pinanagutan mo yung responsibility mo sa baby mo, at hindi ka nag isip ng masama na gagawin sa baby mo. Be proud mom, kahit nagkamali ka. Ingatan mo yan mamsh. Kaya mo yan. God bless.
Magbasa pa