45 Replies
Hi sis, ganyan din ako noong 9 weeks pregnant ako. Gusto pa nga ipalaglag nung una ng bf ko sa sobrang gulo ng sitwasyon namin..lagi pa siya naglalasing at nagwawala sa condo ko kaya grabe ang iyak ko at lungkot..tinago ko lahat sa magulang ko until 4 months pregnant na ako..nung nalaman na ng parents ko at family ko..nung una nagalit at syempre disappointed..kasi nadelay ako sa internship ko sa medicine. Pero eventually, niyakap nila ako at minahal..kahit na hindi pa sila boto sa daddy ng anak ko..pinagdarasal ko rin na maaayos din ang lahat..kailangan mong lumaban sis kasi si baby mo lumalaban..wag mong pagkuhanan lamang ng lakas bf mo..mas mainam kung kumuha ka ng lakas sa magulang mo at higit sa lahat sa Panginoon. Ngayon 21-22 weeks preggy na ako. Mahirap pa rin sitwasyon pero in God's grace, things are getting better at yung bf ko naging sobrang maalaga na sa akin :)
Naku sis, ganyan din ako nung hindi pa alam sa bahay na pregnant ako. Madalas siya lang gusto ko madalas kasama kasi siya lang nakakaalam at feeling ko nun siya kakampi ko. Pero ilang linggo lang din sis, sinabi na namin. Mas okay na walang burden, medyo madrama sa umpisa pero matatanggap din si baby ng parents mo. 😊Pero bakit daw ayaw niya ipasabi na siya yung tatay? Kasi maganda kung sabay kayo o magkasama kayo pag nagsabi kayo para ma-guarantee rin ng parents mo na siya yung makakatuwang mo sa baby niyo. Pray lang sis. Hehe wag ka masyadong magpastress.
Much better sis tell your parents. Sila lang makakaintindi sayo! Wala ng iba. Mga kaibigan mo wala naman maitutulong mga yan. Pag tsitsismisan kalang ng mga yan. (Sorry for my words) peron yan ang realidad! Face the problem anjan na yan. Promise mas maiintindihan ka ng parents mo. Soon magiging parents ka din. Lalo na walang kwenta yang partner mo! Kawawa ka sis kung papa stress kalang sa walang kwenta mong bf! Uwi kana sa inyo at sabihin sa parents mo. Para naman maka luwag yan isip mo at happy na si baby. Kasi happy si mommy!🙏🏼😊😘
Andiyan na yan. Buntis ka na. Wag mong intindihin ang takot mo sa parents mo at pinagdadaanan mo sa ama ng anak mo, mag-focus ka sa pangangailangan ng bata. Grow up. Harapin mo ang obligasyon. Alamin mo kung ano ang pangangailangan niyong mag-ina, pinansyal, emosyonal, mental na suporta. Sabihin mo na sa mga magulang mo, wala na din naman kayong pare-parehong magagawa, andiyan na yan. Yung ama ng bata? hingan mo ng pinansyal na suporta para sa gastusin sa pagbubuntis mo hanggang sa makapanganak ka.
Mainam sis kung magsabi ka na sa parents mo.. maging matatag ka sa mga pagsubok na darating sayo se umpisa palang yan, mas marami kp pagsubok na pagdadaanan.. paghugutan mo lakas ng loob c lord at c baby! Dapat inuunawa ka ng BF mo lalo sa pinagdadaanan mo dpt kayo ang magkakampi at dpt pinapalakas nya loob mo. Anyway mas mainam magsabi kna sa family mo mauunawaan ka dn naman nila.. magpray ka palagi kausapin mo c lord.. wag pakastress se kawawa c baby
Sabihin mo sa parents mo dahil iba pa din ang suporta na mabibigay ng magulang sa pagbubuntis mo. Gagaan ang loob mo pag nalaman nila. Hindi ka ba nag iisip bakit ayaw ipaalam ng boyfriend mo na siya yung tatay? Kung ako kasi sa sitwasyon mo, mapapa dalawang isip ako sa tatay ng anak ko dahil di niya kaya or ayaw niya harapin responsibilidad niya sayo. Kailangan nakakagaan siya sa pagbubuntis mo, hindi yung siya pa yung nagko cause ng stress mo.
Bakit ayaw nya ipaalam sa parents mo na sya ang ama? Ang lakas ng loob nya na buntisin ikaw tapos ayaw nya. Mag pakilala? Ate.. Need mo din inform parents mo. Family mo padin sila. Lalo na mag isa ka sa apartment mo. Mas lalo k lang mastress sa kakaisip.. Nakakatakot oo mag sabi sa magulang for sure may masasabi silang hindi maganda. Pero magulang mo pa din sila.. D k nman nila cguro pababayaan..
E g***pala bf mo..sarap sapakin..di ka dinamayan jan sa kalagayan mo? Mantakin mong hinayaan kang pasanin yan mag isa e dalawa kaung gumawa? Kapal din ng apog may gana pang sabihin wag ipaalam na xa ang ama, g*** tlaga..kayanin mo yan sis..sa ipinakita niya wag ka ng umasa..pray ka bigyan ka ng lakas ng loob at maipaalam mo din sa parents mo me karapatan din silang malaman kalagayn mo..😊😊
Alam m eto ln mssb ko sau. . .kpag d m tnapos ang isang problema mddgdgan ng mddgdgan ln mga iicpn m. . Llo k ln msstress kc mrmi k ng tntago llo s pamilya mo. .tutal anjan n yan sbhin m n s pamilya m. Kht mglit cla s huli ttnggpin kp rn nla. Pg inamin m n lht tnggal n stress m. . Mttulungn k p ng pmlya m s pgbbuntis mo.
pareho tayo nang situation..im 8 weeks pregnant..ayaw rin sabihin nang bf q na sya ung ama,hindi na ko ngcocommunicate sakanya kng ayaw edi wag..pro hindi ngpapadala sa stress ngayon kasi ayaw ko maapektuhan ung baby..kasi ung 1st prenancy ko sobrang stress ko i had miscarriage..at ayaw ko mangyari ulit yun..
rozelle maamo