What to do?

I'm 8 weeks pregnant po and 19 yrs. old. Nag-i-start na po ko ma-stress kakaisip if dapat ko po ba sabihin sa ex ko na nagbunga po yung ginawa namin. Nag break po kasi kami without him knowing na buntis ako. To be honest, ayoko po sana sabihin since nag break kami dahil sinabi nya na "he's just playing around" so para sakin ay ala ng point if sasabihin ko pa. Pero pinipilit po ko still ng mga kaibigan ko na sabihin sa ex ko ang tungkol kay baby. Tanggap na din po ng parents ko na wala na yung ex ko and thank God dahil pinayagan pa rin nila ako sa desisyon kong buhayin yung baby. Ano po ba dapat gawin? Should I tell my ex or what? ??‍♀️ TIA po sa answer

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede mo namang sabihin, kung tanggapin niya — good! Kahit man lang sa bata magpakatatay at magpakatao siya. Pero kung hindi — di niyo siya kawalan. Pinakita niya lang na walang kwenta talaga siyang tao. Still dear, ikaw pa din naman ang ina at ikaw ang magdadala sa bata, nasasaiyo pa din ang desisyon. Kalma ka lang muna para makapagisip ka ng maayos. Palamigin mo muna ang sitwasyon. But for sure sa panahon ngayon, kahit di mo naman siguro sabihin, malalaman at malalaman niya pa din yan. God bless, dear! 🙂

Magbasa pa
7y ago

thankyou po sa advice, ateng! I'll keep that in mind. Stay blessed po 😊💖