need advice

I'm 5 months preggy po and stress na po ako kasi lagi nalang akong sinisigawan ng asawa ko at pinagmumura pa kapag hindi ko nasunod gusto niya, ako nalang lagi nag aadjust, hindi niya Alam iniiyak ko lang lahat, 21 yrs old po ako, at ang asawa ko 23 yrs old. Isang taon pa lang po kami ng asawa ko, at simula nung nabuntis saka na kami nagsama. hindi niya ako maintindihan, minsan minumura pa niya ako, first mom po ako at hindi po ako sanay sa ganito, ang hirap pala talaga, gusto ko lang po ng opinyon niyo, Plano kasi niya magpakasal kami after Kong manganak peru sa mga pinapakita niyang ugali saken parang nagdalawang isip na ako. Patagal kasi kami ng patagal parang nagbabago ugali niya. Alam ko naman po normal lang sa mag asawa ang mag talo lagi, peru kalmado naman po ako kapag nagsasalita na sakanya kahit galet na ako, peru siya pasigaw siya at minumura pa niya ako, ansakit sakit pa niya magsalita.

55 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Swerte nalang talaga ng mga babaeng napupunta sa tamang lalaki. Katulad ko 12yrs. old ako nung naging kami ng asawa ko and now 20 na ako this August 01, 2020 and going 5months pregnant 😊. Iwas stress momsh, makakasama sainyo ni baby yan. Better na wag muna kayo magsama ng tinitirhan palipasin mo muna pagbubuntis mo dapat hindi ka naistress.

Magbasa pa

RED FLAGS so clear. Wag kang magpa-uto sis. Madaming lalaking ganyan magdudusa ka jan pag pinakasalan mo yan. Mabuti na din na hindi pa kayo kasal. Attitude na yan hindi basta magbabagoq yan. Wag ka magpakasal at ang ilaban mo lang ay ang karapatan ng anak mo. Lalo pa kapag sinubok na kayo nag matinding problema baka saktan ka pa niyan.

Magbasa pa

mommy be thankful na nakita MO na totoong ugali nya habang hindi PA kau kasal... to think na Alam nyang buntis ka at ganyan ginagawa sau what more pag normal days nalang... big NO po sa pagpapakasal niyo... kasi Kung di nya Kaya maging mabuting partner... asawa at ama pa kaya NG baby nyo.

Nasa adjustment period pa kasi kayo. Parang kami ng asawa ko dati, madalas kami mag away konti di pagkakanintindihan lang.. the best way is pag usapan nyo hindi ng mahinahon at lambingi mo din sya.. di okay ang stress sa ating mga pregnant, dapat happy thoughts lang.. magiging okay din kayo

Dapat inuunawa niya na buntis ka. Dagdag pasensya at pagunawa dapat ang ginagawa nya. Alam nya naman buntis ka. Dapat di ka nasstress. Kausapin mo ng masinsinan bf mo. Ipaliwanag mo sa kanya nararamdaman ng mga buntis. Di ka dapat nya iniistress. Kasi si baby ang naiistress.

Pag isipan mong mabuti if magpapakasal kapa kasi if ngayong buntis ka ganyan na yung ginagawa sayo what more if nanganak or ilang taon na kayong nagsasama baka physical na gawin sayo Just saying momsh, hirap kasi pag ganyan yung ginagawa sayo ni husband eh...

Mag usap kayo sis if d talaga nagbago bakit ka magtyaga sa piling nya.simple Lang Yan pag dka sigurado wag mo Ng ituloy para Hindi ka masaktan at maghirap habang buhay...marami mamang successful na single parents that's only my opinion.

Bata ka pa beh, wag kang magpapatali muna lalo na if wala ka pang kasiguraduhan sa pinapakita nyang ugali towards you. Kasi if kasal na kayo , magkaiba na yun. Wala ka ng takas nyan especially walang divorce sa philippines.

Ipaintimdi mo sakanya na buntisnka bawal nasstress nakakaapekto yun sa bata. Yung asawa ko nga alagang-alaga ako kahit puyat na sya babangon parin para timplahan ako/sandukan etc. Kasi mas sensitive yung buntis dapat alam nya yun.

Battered wife kakalabasan mo. Better think it over a thousand times bago ka magpatali forever jan sa guy na yan. Magpacounseling and psychiatrist muna kamo siya bago ka pumayag. Scary yan. May anger management yan.