need advice

I'm 5 months preggy po and stress na po ako kasi lagi nalang akong sinisigawan ng asawa ko at pinagmumura pa kapag hindi ko nasunod gusto niya, ako nalang lagi nag aadjust, hindi niya Alam iniiyak ko lang lahat, 21 yrs old po ako, at ang asawa ko 23 yrs old. Isang taon pa lang po kami ng asawa ko, at simula nung nabuntis saka na kami nagsama. hindi niya ako maintindihan, minsan minumura pa niya ako, first mom po ako at hindi po ako sanay sa ganito, ang hirap pala talaga, gusto ko lang po ng opinyon niyo, Plano kasi niya magpakasal kami after Kong manganak peru sa mga pinapakita niyang ugali saken parang nagdalawang isip na ako. Patagal kasi kami ng patagal parang nagbabago ugali niya. Alam ko naman po normal lang sa mag asawa ang mag talo lagi, peru kalmado naman po ako kapag nagsasalita na sakanya kahit galet na ako, peru siya pasigaw siya at minumura pa niya ako, ansakit sakit pa niya magsalita.

55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Isipin mo nlng n blessing na nakilala mo agad ugali nya ata may time kp mg decide kung ganyan ba tao gusto mo mksama habang buhay. Sbi nga nila dun mo malalaman tunay na ugali pag ng sama na kayo sa iisa bahay.

Iwanan mo na walang kwentang lalaki yan,imagine buntis ka dala mo anak nea tapos sisigaw sigawan ka nea,stress na nga tayong mga buntis dahil sa mga pagbabago sa ating katawan dagdag pa sya. . .

naku bata kpa.. wag mong sayangin ung buhay mo sa ganyang lalaki.. try to imagine di nga ginagawa sayo ng mga magulang mo yan tapos sya gaganyanin ka lang? think twice or more!

Imagine living with that person for the rest of your life? Happy kaba? Alam mo na sagot mo sa tanong mo... Isang buhay lang meron tayu, huwag sayangin sa maling tao.

Wag ka magpapakasal. Or better yet, umuwi ka nlng sa mga magulang mo tutal bata ka pa naman at dun mo ipagpatuloy ang pagbubuntis mo. Masama sa ating mga buntis ang mastress 😊

Ang tanong, Sis. Ngayong nakita muna ugali nang Mister mo, ready ka na ba na magpakasal sakanya? Baka may problema lang siya sa work kaya pagdating sa bahay, nasstress siya?

Mahirap po yung ganiyan mas matanda siya dapat mas mag adjust siya dapat mas makakaintindi siya sayo..baka po siya yung nag lilihi sa inyo may ganun po kasi

Hindi pa kayo kasal ganyan na agad. Paano pa kaya kapag kasal na momsh wag ka papatali sa tao ngayon pa lang di kana nirerespeto habang maaga pa

VIP Member

Hello, kindly join our mommy support group and invite other moms too. Thank you! https://www.facebook.com/groups/2782337895381176/?ref=share

VIP Member

may experience aq ganyan..sinasabi lang ng nanay ko na baka pagod lang kaya aq nasisigawan..at talagang sensitive tayong mga mommy