Anxiety/need advise

I'm 34 weeks 5 days pregnant. Habang papalapit ng papalapit ang due ko, ang dami kong iniisip at natatakot gawa ng partner ko. Twice a week siya nasa barkada at nagiinom. Oo mas malaki sahod niya akin pero wala talaga siyang naiipon gawa ng lifestyle niya na yan. Kala ko magbabago pa siya since may 2 kids na siya bago naging kami. Bale pangatlo na niya tong anak na dinadala ko. Yung dalawang kids kasama namin dito sa bahay pero mommy niya halos nagaasikaso at malalaki na rin kasi 7 at 5 years old. Hindi ko maramdaman yung assurance kasi kung kelan naman work from home na kami, saka naman mas malapit na mga kainuman niya 2houses away lang. Ang sakin naman mag focus na siya, 40 years old na siya and I thought he's mature enough to take the responsibility. Gusto ko na umalis dito sa kanila at bumukod kaso yung mommy niya naman, mukang ayaw naman malayo sa kanya mga apo at anak niya. Feeling ko kasi pag bumukod kami at malayo kami baka sakaling magfocus na lang siya sa pamilya. Selfish ba ko para isipin na sana focus na lang siya samin ng magiging anak at mga anak niyang nauna? He's not getting any younger at gusto kong mawala mga vices niya like inom and yosi. Katwiran niya nakikisama lang siya. Anong dapat kong gawin? I'm a single mom ng 1yr old son ko ng magkakakilala kami, 4 yrs old na ngayon amg son ko, bago naman ako napreggy at manganganak na nga soon. Ni minsan di ko pinaako sa knya first born ko since I'm a working mom naman talaga. I'm thinking malas ba talaga ko sa partner? Buhayin ko na lang kaya rin tong 2nd baby ko mag-isa kasi kung di siya magbabago dagdag stress lang sakin? Sorry gulong gulo na talaga ako, I'm thinking of my future, our future, with our family pero pano kung di na siya magbago? Should I go out on this toxic relationship? Toxic kasi parang isang kahig isang tuka o one day millionaire siya samantalang ako, kahit di ganun kalaki sweldo ko. I'm always thinking ahead, at nagiipon talaga. Should I let go since magkaiba kami ng priorities? Kelan ko bang masasabi na tama na?#advicepls #pleasehelp #pregnancy

1 Replies

Try yoga, breathing exercises and meditation if that doesnt help do consult a dr

Trending na Tanong