Manas

Im 31weeks pregnant. Nagstart manas ko 5mons tummy ko. Till now minamanas padin ako. At palala ng palala. Nagdidiet naman ako, less rice at nag eexercise din ako. Di ko na alam gagawin ko. Nag sleep ako nakataas ang paa. Haysssss.

Manas
54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh nag tatake poh ba kau ng calciumade kac baka kulang Lang poh kau sa calcium.. Pwd din poh kac mamanas pag qlang ka sa calcium ehh... Sav poh ng ob q... Ako poh kac 38 weeks and 3 days.. Wala poh..

Madalas minamanas pag ka umuupo ka tas nakalutang mga paa mo bumababa kase yung fluid kaya kailangan lagi nakataas ang paa kahit pag nakaupo naman dapat lagi den lapat ang paa sa sahig 👌😊😊

Ilakad2 niyo po yan mamsh wag ka mg shinelas sa mainit yung kaya ng paa mo.. mawawala din yan gnyan din ako nung buntis ganyan ginagawa ko,, tas pag may oras ka lakad mo lng umaga at hapon

VIP Member

Try nyo po matulog na naka tagilid sa left side po. Isa din po yun cause ng manas if medyo mali yung posisyon ng pagtulog. I hope it helps you momsh.

Drink at least 3L na water a day, iwas sa masikip na pants at slippers and elevate mo po paa mo pagnakahiga, mas mataas dapat sa ulo mo

33 weeks na ako pero wala ako any sign ng pamamanas, more water, maluluwag na damit and pag higa sa left side nagagawa ko po ito kaya po siguro.

kain po kau ng pakwan mommy makatulong po iyan pampawala ng manas po.. healthy din kay baby po iyon panuodin nyo po sa you tube.. god bless po

Ang sabi po ng matatanda wag daw kakain ng karne ng manok. Di ako sigurado pero sinunod ko.. nawala naman ung manas ko nung buntis pa ako.

Buti hndi ka highblood sis. Delikado pag highblood. Patest k po ng sugar at ng ihi, delikado ang manas. Wag mo po balewalain sis.

5y ago

Methydopa maintenance ko mamsh

Massage niyo po paa niyo pataas sa binti. Wag po pababa. Inom po kayo maraming tubig. Bawasan mga maalat at processed food.