Manas

Im 31weeks pregnant. Nagstart manas ko 5mons tummy ko. Till now minamanas padin ako. At palala ng palala. Nagdidiet naman ako, less rice at nag eexercise din ako. Di ko na alam gagawin ko. Nag sleep ako nakataas ang paa. Haysssss.

Manas
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan po ako noon sa apat na naging anak ko. Pag matagal na naglakad o matagal n pagtayo mamanasin ang paa ko. Ndi po totoo n kapag lagi pong nakahiga mamanasin ka. Sa pag tagal n nakabitin ang paa mo yan mamsh, kasi naiipit ang bladder mo ung preasure ni baby naiipit ang bladder kaya po minamanas. Bukod s mataas na dugo o kakakain ng maalat. Madalas talaga yan pag lakad ng lakad o matagal na pag tayo o nabitin ang paa( nakaupo ng ndi nakataas ang paa) lagi nyo pong itataas ang paa nyo s pagtulog o khit uupo s itaas nyo po sa bangkito.

Magbasa pa

Nung nag ganyan ako, every morning walk ako ng walk tapos pag nakaupo ako sa sala kumukuha ako ng upuan para mapagtaasan ng paa and kapag nagsleep may unan sa paa, tapos di dapat nakatayo ng matagal if nakatayo dapat ginagalaw pa din kahit walk in place. After 2 weeks na ganung routine and tuloy tuloy lang umokay naman siya and di ganyan lumala, tapos iwas din dapat sa salty foods

Magbasa pa
5y ago

Every morning. Bago kumaen at after naglalakad ako. At sa gabi. Kaso wala. Hb din kasi ako. Ngayon pinainom nako ng ob ko ng maintenance. Sana makuha sa gamot. Tumaas nanaman kasi bp ko kanina. Pag di nakuha baka ma admit na daw ako. Ayoko pa masyadong maaga. 31wks palang si baby :(

grabe naman un isang comment jan, n high blood at baka ma preeclampsia agad. una po, normal sa buntis na magmanas dahil naiipit ung mga ugat nadadaganan ni baby, mawawala yan 2 weeks after mo manganak so dont worry. basta bantayan mo blood pressure lagi icheck. yung manas dapat sa paa lang, hndi dapat sa kamay at face. wag masyado mastress mommy. ingat n lang din sa pagkain.

Magbasa pa
5y ago

Umaakyat po nasa leegs at binte ko na. Pati mga daliri ko momsh nagpuputukan na sa manas :(

Hnd pa po kayo nakapag Pacheckup? Nagpacheck-up ako knina sa OB ko,tinanong ko if masama ba magkamanas sabi nya yes if merong High blood,diabetic and other health complications need ng check-up. Pero kung wala kang health complications during pregnancy thats fine. Sabi nga nya saken buti hnd daw ako minamanas Im on 33week na.

Magbasa pa
5y ago

sana nga. Huhuhu. Nagiging elepante na paa ko. Hanggang tuhod paakyat ng hita abot manas kk

Same here, im 36wks pregnant na, pero hindi naman ganyan kalaki ngstart lang sya last wk tapos unti unti na syang nawawala d na gaanong kalaki, nilalakad ko lang sya twice a day morning tsaka afternoon tapos sinamahan ko na rin ng squats, tapos 2.5ltrs a day na water po.

Less sodium po dapat. Yung mga maalat bawasan. Nga ganyan din po ako nung 4-5mos ako..binawasan ko lng po yung mga salty food.. yung mga canned goods and anyyhing na may preservative. Tsaka kain po kayo mommy ng saging nakakatulong mag tanggal ng swelling. :)

VIP Member

Monitor your blood pressure mommy.. Delikado ang pre eclampsia for you and your baby. Higa ka sa left side pag matutulog and elevate your legs higher than your heart. Iwas sa matataba, maaalat na pagkain at mapagod. Hindi maganda ang naghhighblood sa buntis

5y ago

Ask your ob mommy. Kung maintenance tuloy tuloy ung pag inom kahit na normal ang bp.. Wag ka na magpakapagod, lalo na 31 weeks plang si baby mo..

same here momshie, parang magkatulad tau ng manas ng paa.. 😪 soo uncomfortable I am 33weeks & 2days pregnant w/ my twins na.. dagdag bigat ang manas sa katawan ko umaabot na din kc sa may tuhod ko.. Salty foods at highblood ba tlgaa reasons niyan?

Magbasa pa
5y ago

Umaakyat sakin pati sa daliri ko sa kamay meron na din ako,manas. Bp ko medyo mataas

Momsh wag ma syado ma stress sa pamamanas... kasi mas mabuti na lumabas cya kysa hindi lumabas kasi c baby yellow cya pag labas kong sa loob ang manas mo.. ganyan talaga pag buntis.. pang 3rd bb ko na to manas ako, pero healthy nman mga anak ko..

ako mommy 4 months mag start mag manas until now. nag pa test kana ng ihi? iwas nalang sa malalamig at maalat, taas mo paa mo pag matutulog ka at pag naka upo. and wag matagal naka tayo. ingat lagi kayo ni baby 😊😊

Magbasa pa
5y ago

sakin din di nawawala pamamanas, pero kung ok naman lahat ng test, no worry na yan basta wag lang daw mukha ang namamanas. kaka check up ko lang kaninang umaga. ayon ang sabi sakin, pero iwas iwas padin, ingat lagi kayo ni baby Godbless po.