Manas
I'm 29 weeks now. Okay lang po ba manasin? Ano pong pwede gawin at bawal gawin? Thank you. ECQ po kaya hindi makapunta kay OB.
29 weeks ka palang sis. Iwas ka muna sa mga food na maaalat. Oh kaya wag masyado matagal nakatayo, tsaka pag hihiga o uupo itaas mo po paa mo. Effective po saken yong nakataas ang paa at lagi po maglakad kahit sa bahay lang. Pwede din lagyan mo lana/oil yong paa mo sa gabi. 34 weeks and 2 days na ko pero no sign ng pagmamanas 😇
Magbasa paElevate mo lang lagi paa mo momsh. Nakahiga man or nakaupo kelangan lagi nakataas ang paa. Then iwasan mo yung matagal na nakatayo sa isang place. Stop din sa maalat. Although hindi naman talaga maiiwasan manasin lalo pag last trimester, atleast hindi ganun kalala.
29 weeks din ako mamsh.. minsan napapansin ko namamanas paa ko lalo na pag matagal ako nakatayo.. ginagawa ko inom maraming water.. and lagi ko inielevate yung paa ko pag nagpapahinga at pag natutulog i make sure nakataas paa ko. now wala naman na ako pamamanas
Hindi po need po mag exercise kahit NASA bahay Lang momsh. Delikado po Yan kapag namanas. Kapag nasa trimester kana magstart na po kau mag exercise everyday hanggang mapagod kau para hndi kau mahirapan manganak.
Update po mam mamshieee 🥰 Thank you sa mga payo nyo atleast more care na po ako sa sarili ko. Eto na po yung paa ko ngayon kakataas ko at naglakad lakad po ako kahit nasa bahay lang. 😘😘
Masama po manasin ang buntis lalo't nasa 29 weeks ka pa lang. Avoid salty foods and always elevate your feet pag nakaupo ka at nakahiga. Dapat mas mataas po ang paa kaysa sa ulo pag nakahiga.
ang aga mo. minanans momsh ako 35weeks pero manas ko manhid lng wlang pamamaga momsh kain k ng monggo panlaban sa manas. pero sbi ng OB kpag nkkranas ng pamamanas pa checkup agad
Iwasan ang salty foods, damihan ang inom ng water, lakad lakad din, tapos laging itaas sa unan ang paa (mas mataas sa level ng ulo) pag matutulog na sa gabi.....
Sis, nag pa check ka ba ng BP mo? Iwas ka muna sa mga salty foods and bawas ng rice. Damihan mo din ang water intake mo. At i-elevate mo paa mo during bedtime.
Iwasan ang salty and fatty foods. Mag walk ka ng mag walk. More water din. Then pag nakaupo ka ipatong mo yung paa mo sa upuan para nakataas yung paa mo.