Unsupportive family members

Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madaling sabihin na pabayaan mo nalang sila, na sarili mo muna iprioritize mo, pero di ka rin naman magiging masaya if may guilt kang nararamdaman. Yan yung mahirap na sinanay naten sila, we endured and tolerated the pain but when the time comes na gusto mong sarili mo muna unahin. Matatakot ka. Normal lang yang feeling na yan. Just one step at a time, makakalaya ka rin. Salute para sa partner mo na mas nangingibabaw yung love nya for you kesa sa takot na makarga nya rin yung burden mo. Yung iba kase tatakas pag ganyan, kase sa sitwasyon naten, kasama sa package yung burden at responsibility naten sa family. But know this, mi. If you know you've done enough, set yourself free from the shackle you've been wearing, wag mo na isipin if enough na ba yun sa kanila kase never magiging enough kahit gaano pa kalaki at karami gawin mo for them. Older brother mo nga tumakas sa responsibility by being a freeloader, the audacity naman para i-call out ka if uunahin mo naman sarili mo(your baby and hubby). Minsan kase yung nashoshoulder nateng burden, tayo mismo nagtotolerate at di mo namamalayan ikaw na rin mismo kumukuha. Madedrain ka mi promise if di mo pa iloosen yung drip mo sa burden na bitbit mo. San ka ba mas natatakot? Masabihan na walang kwenta at utang na loob na kapatid at anak o maging ina na napabayaan yung sariling anak at asawa? Di lang parents at older brother mo may need sayo, know your priorities and put boundaries.

Magbasa pa
3y ago

correct sis, nag decide kana magkaron ng sariling pamilya, dapat ito na ang priorities mo. pede kang tumulong to the extend na kaya mo lng, hindi kailangan ibigay lahat. better if bumukod na kayo ng bahay. para magka peace of mind kayo ng asawa mo.