Unsupportive family members

Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello sis, I had the same situation before pero single ako noon na nakabukod. Andun yung older brother ko na minimum worker pero may 2 anak sya na nasa side ng mother. Hiwalay sila ng bahay pero legal na kasal. Both of my parents are senior na pero that time, pa retired na ang tatay ko sa work. Nung andun ako, kalahati ng sahod ko bigay ko at iba pa yung groceries and hiling na mga technology. Wala namang issue sakin pero nung umalis ako at nagsolo, I have to lessen what I give kasi nagrerent and pay bills na ko alone. My mom has pension that time. So nung nagbawas ako ng bigay, nagrereklamo nanay ko to the point na nagkasagutan kame kasi ayoko ng discussion ng pera. To think na andun kuya ko, na libre laht ng nilalamon niya pati pakikisuyo sa nanay ko ng labahin ng uniform nya sa work at plantsa. Ang ginawa ko, shinut down ko muna sa sistema ko yung nanay ko kasi nasstress ako sakanya. Lumala yung PCOS ko that time so gastos nanaman sa ibang medication. After a year, sinuyo naman ako ng nanay ko and nag usap kame na gamot nalang sasagutin ko whether makapag asawa ako or not. Luckily, I got married nung 2020 and wala naman ng issue. Sabe ko, kapag may problema na emergency isangla nya yung gold nya kung di ko kaya makapag provide ng malaking money. Then yung kuya ko, umalis nadin lol.

Magbasa pa