FTM 27 WEEKS PA ADVICE MGA KA MOMMIES ?

Hi, im 27 weeks. Lagi ako nag pepray sa twing pinanghihinaan ako ng loob. Takot kasi talaga ako managanak, kakayanin ko ba? Kinakabahan nako kasi palapit na siya ng palapit. May nervous attack at panic attack ang lola nyo e. Nung nag pa cas nga ko feeling ko mahahigh blood ako. What to do po ? Huhuhu.

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kaya nyo po yan.lahat naman po ata takot manganak lalo na pag 1st time dahil bgo lahat syo ng ma experience mo.pero pray lang po at isipin nyo lng lage ung baby nyo.hnd nyo mamalayan makakaraos kau

Prayer is the best medicine mommy..kayang kaya mo yan..isipin mo nlng na ilang bilyong babae simula nung unang panahon ang pinagdaanan ang pinagdadaanan natin ngayon...di ka nagiisa...

Mommy ako lagi ko iniisip yung "trust your body" kapag manganganak na ako. Wag mo pipilitin yung sarili mo basta magtiwala ka lang sa katawan mo, kay baby at ofcourse kay Papa God. 😊

pray lang sis.. isipin mo dpt mo kayanin at pilitin mo kayanin para ke baby, ako nga ganun kinakabahan ako pero mas nananaig saken ung kagustuhan ko na maisilang ng maayos c baby.

Ako din mommy. Sobrang struggle ko yan. Lagi na lang nagppray and mahilig ako magkwento ky hubby kaya kinakalma nya ako. Kaya natin 'to mommy. Musta na pakiramdam mo ngayon?

Just pray mamsh. And surrender all your worries to the Lord. Things will be fine. Goodluck po. 😊 ftm here too. Mejo kabado din. Pero alam ko di kami pababayaan ni Lord.

Kaya mo po yan. Ako po 34 weeks now and first time din, takot pero excited din so nde ko naniniisip kung masakit ba o nde, importante is malapit ko na makita si baby.

VIP Member

Same here. Hahaha kinakabahan ako kahit prenatal lang. Pero iniisip ko kung kaya nila kaya ko din. Same lang naamn tayo pinag dadaanan. Kaya yan! Gogogo

Always pray..its normal na matakot at kabahan pero walang ibang tutulong sayo kundi si Lord, kausapin mo din lagi si baby na wag kang pahirapan

Ako sa ngaun wala pa ako sa KABA part. Mdjo na excite na ako. Feeling ko pag mga 30weeks na dun na mag start kaba ko. Pero need tapangan momy.