Hirap mag LIHI

I'm a #1stimemom and I am really having a hard time on my first trimester.. Just found out that I'm pregnant on my 6weeks at bago ko pa malaman na buntis ako grabe na sakit ng ulo ko at pagsusuka ko sobrang hirap at yun nga nagdecide na ko mag pt when I found out na positive.. Super happy kami mag asawa kasi 33y/o na din ako at sobrang eager na mag baby pero sobrang hirap maglihi kahit nasa 8weeks na ko.. Gaano ba katagal paglilihi? buong first tri ba tlg? May nagsasabing pag babae daw maselan maglihi, may nagsasabi naman na may edad na kasi ako or depende sa baby.. I just need some insights coming from an experienced pregnant mother.. #advicepls TIA :)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy! Pinagdaanan ko yang pinapagdaanan mo. Mahirap talaga kase pate water sinusuka ko. Case to case kase yan. May 1st tri lang naeexperience meron namang all throughout their pregnancy. Ang sabe, pagmataas yung levels ng hcg ganyan talaga. Yung sense of smell din kase naten kung mapapansin mo.. ang tindi. Yung kahit amoy ng sinaing di na pleasing sa ilong naten kase parang ang lakas ng lamoy ganun. Sa case ko naman 2nd tri bumalik na sa normal ung pang amoy ko and kaya ko na ulet kumain ng kahit ano. Sobrang pumayat lang talaga ko kase skyflakes at oats na may milk lang ang nakakain ko sa maghapon. 57 bagsak sa 50kilos ako noon. Ang maaadvise ko lang, hanap ka ng food na kaya mo kainin at magstock ka nun. Kain ka maya’t maya. Mas okay ung small frequent meals kesa sa isang biglaan.

Magbasa pa

Ako po mommy ay 32 yrs old at babae ang baby ko. Never po ako nakaramdam ng paglilihi and morning sickness. 3 months daw po ang paglilihi sabi ng mga mommy na nakakausap ko pag nagpapa check up po ako. Enjoy mo lang mommy malalampasan nyo din po yan. Congrats ❤️