My little baby bump

Hi! I'm 18 years old and a 4 months pregnant. Kahit pala maaga sya dumating sobrang nakakaexcite pala talaga maging mommy. From 24 waist line to 34 namimiss ko din maging sexy at magsuot ng mga fitted at crop tops pero mas lamang yung sabik ko na mahawakan ang anak ko? Yun nga lang may crisis ngayon at di makapagpalab test and ultrasound para mareveal na namin kung boy or girl ba. First time kong makita na malaki ang tiyan ko, hindi magkasya ang gustuhin kong damit, i-give up ang mga bagay na di ko mabitawan noon. Sobrang thankful ako kasi kung masaya ako, mas masaya ang daddy niya na dumating sya. Lagi ng sinasabe saken ng boyfriend ko na nabuo sya dahil sa pagmamahalan na meron kaming dalawa. And everytime na kakausapin nya si baby sa tiyan ko, lagi nyang sinasabe na "mahal na mahal ko kayo ni mommy mo. Bilisan mo lumaki kase lagi tayong maglalaro". Nakakatuwa kase hindi sya natakot, nangamba or umatras man lang. Yung kursong gusto nya sa college, pinalitan nya for us. So much happy kahit napaaga mapapaisip ka na lang na " Sana kayanin kong maging mabuting magulang" everyday and night. Hindi ko kinakahiya na maaga akong nabuntis .Hindi ako takot mahusgahan ng iba. Dahil alam ko, na hindi naman ito ibibigay kung hindi ko naman kaya. Everything happens for a reason❣️✊ Godbless everyone?

My little baby bump
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congratulations, mommy! 🤗 I am soooo glad and proud of you na hindi mo naisip ipalaglag ang baby mo. Bagkus ay masaya ka pa! Be thankful for your supportive partner. Sana rin suportahan ka ng parents mo na makatapos ka pa rin ng pag aaral.. if not, sana pilitin niyo makapagtapos para sa future ng family niyo. Iba rin ang may pinag-aralan ka kasi kahit magloko ang partner mo, mabubuhay kayong mag ina. 'Wag mong isipin ang judgment ng iba kasi at the end of the day, hindi niyo makakain mag ina ang mga paghuhusga nila. God bless you and your family!

Magbasa pa
5y ago

Salamat po sa payo 😘