My little baby bump

Hi! I'm 18 years old and a 4 months pregnant. Kahit pala maaga sya dumating sobrang nakakaexcite pala talaga maging mommy. From 24 waist line to 34 namimiss ko din maging sexy at magsuot ng mga fitted at crop tops pero mas lamang yung sabik ko na mahawakan ang anak ko? Yun nga lang may crisis ngayon at di makapagpalab test and ultrasound para mareveal na namin kung boy or girl ba. First time kong makita na malaki ang tiyan ko, hindi magkasya ang gustuhin kong damit, i-give up ang mga bagay na di ko mabitawan noon. Sobrang thankful ako kasi kung masaya ako, mas masaya ang daddy niya na dumating sya. Lagi ng sinasabe saken ng boyfriend ko na nabuo sya dahil sa pagmamahalan na meron kaming dalawa. And everytime na kakausapin nya si baby sa tiyan ko, lagi nyang sinasabe na "mahal na mahal ko kayo ni mommy mo. Bilisan mo lumaki kase lagi tayong maglalaro". Nakakatuwa kase hindi sya natakot, nangamba or umatras man lang. Yung kursong gusto nya sa college, pinalitan nya for us. So much happy kahit napaaga mapapaisip ka na lang na " Sana kayanin kong maging mabuting magulang" everyday and night. Hindi ko kinakahiya na maaga akong nabuntis .Hindi ako takot mahusgahan ng iba. Dahil alam ko, na hindi naman ito ibibigay kung hindi ko naman kaya. Everything happens for a reason❣️✊ Godbless everyone?

My little baby bump
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mommy! Blessed ka kasi may baby ka na and mapagmahal na hubby.. okay lang yan kasi mababalikan mo pa ang dreams mo pati na pag-aaral mo.. naiba man ang priorities mo ngayon lucky ka parin kasi may makakasama ka sa mga bagong stages sa buhay mo.. Kami ng hubby ko college grad, may magandang trabaho, kasal pero di pa binibiyayaan ng baby. But its okay siguro ganun talaga iba't-iba tayo ng time para sa dreams and priorities natin kaya habang may buhay may pag-asa. Sana kami din magka-baby na ni hubby tulad mo at ni bf mo😊🤗❤️

Magbasa pa
5y ago

Tama mommy ganyan nga.. Thank you so much i-claim ko na si baby 🤗❤️