Need advice please.

Hi, I'm 15 weeks pregnant. Medyo nahihirapan ako sa sitwaston ko sa boyfriend ko. Mahigit isang taon na kami, pero yung problema ko sa pagiging insensitive niya lalong lumala. Akala ko ngayon magkakababy na kami magbabago sya, sinabi ko naman nung una pa lang na sana pagpasensyahan nya ko sa mga mood swings ko pero dapat pala ako raw ang mag adjust, kasalanan ko raw pag may nangyari sa bata dahil sa kaartehan ko. Pag nagsasabi ako ng problema o pag may nakikita akong mali, masasakit na salita yung mga binibitiwan niya. Kagaya nung time na tinanong ko sya kung sino ung babaeng kasama niya sa picture nung nag palawan sila, hindi niya kasi ko minemmessage noon, pinapatayan pa ko ng phone, bigla syang nagagalit tapos sinabi na baliw raw ako, kaya raw ako iniwan ng mga ex ko kasi ganito ako, tanga. Sana nakinig nalang daw sya sa nanay niya kasi akala niya magiging masaya sya skin. Hindi ko alam kung ano mas masakit, yung mga sinabi niyang yan or yung sinabi niya nung nakikipaghiwalay sya, sasabihin daw niya sa magulang niya na hindi sa kanya ung bata, na nabuntis ako ng iba, na may lalaki ako. Kinabukasan nag sorry ako para lang matapos na. Sinabi niya rin pala sakin nung umpisa pa lang na ayaw sakin ng magulang nia lalo na ng mama niya dahil mas gusto nito yung anak ng kaibigan niya na nurse sa America, pero nabuntis na ko kaya wala na silang magawa, nung sinabi daw ng nanay niya na dun na ako tumira, at magpakasal na daw bago ako manganak, di ako pumayag Sinabi ko na gusto ko muna pagtuunan ng atensyon si baby. Hindi rin naman ako magiging komportable sa kana dahil ayon sa kanya, OC ang nanay niya. De numero ang kilos. Nakiusap ako na sana bumukod kami kahit maliit lang na tirahan tutal pareho naman kaming may trabaho. Sinabi ko rin sa kanya na pakasalan nia nLang ako sa oras na kaya na niya, yung buo na ung loob nia. Hindi dahil sinabi lang ng nanay niya. Hindi nya maintindihan un. Ibang klase daw ung pag iisip ko. Ang tanga ko. Pinapahirapan ko raw sarili ko. Di naman ako perpekto, may mga oras na nakakapg sungit talaga ako at nakakapagbtaw ng di maganda. Mali po ba ako sa desisyon ko? Para kasing lumalabas na inggrata ako. Salamat sa magbabasa.

82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you for sharing your stories. Let us seek God's forgiveness sa mga pagkakamali natin (maging maluwag sa puso at isip kung tatanggapin natin ang mga pagkakamali natin) and ask for enlightenment kung ano ang mas mabuti mong gawin. Mahirap ang isang anak na walang magulang at mahirap din ang may asawa na hindi naman katuwang sa hirap at ginhawa. Mag reflect ka, bakit ba ayaw ka ng nanay ng boyfriend mo? May point ba ang boyfriend mo na iba din ang pag iisip mo? Wala bang problema sa kanya? Kailangan talaga natin ng self reflection. Wag na wag magturuan ng mali. Dapat ang boyfriend mo mag reflect din sya. Ang pinakainam siguro na itanong sa boyfriend mo ay pakakasalan ka ba nya dahil lang sa buntis ka? Or dahil sa mahal ka at ng magiging anak nyo? Pilitin na mahinahon ang pakikipag usap nyong dalawa. 15-minute of silence will help. Nakakainis man pero pilitin mo mawala ang inis or galit sa puso mo para sa pagbubuntis mo. Love yourself. 2 questions for both of you: "Ok lang ba sayo na di ka kasal sa ama/ina ng anak mo? At ok lang din kaya sa anak natin na ang magulang nya ay hindi kasal? Ano ang mga epekto?" Ano man ang pagsubok, isipin mo na ang pagmamahal sayo ng Panginoon ay mas malaki. Hindi natin mararanasan ang bagay kung di natin kaya. Ang importante ngayon ay ikaw para sa pagbubuntis mo. Pls ask your bf, ano bang kaya nyang gawin para sa anak nya? Be patient sa nanay ng bf mo. Accept the worst but choose to be kind parin sakanya kasi nanay sya ng bf mo na ama ng anak mo. Yung tipong, "di mo man ako gusto pero ako ang magpaparamdam sayo ng totoong pagmamahal ng isang daughter in law". Always respect her kahit pa she does not deserve it kasi gaganda ang buhay mo pati ng anak mo. God knows best. I wish you a happy life.

Magbasa pa