Need advice please.

Hi, I'm 15 weeks pregnant. Medyo nahihirapan ako sa sitwaston ko sa boyfriend ko. Mahigit isang taon na kami, pero yung problema ko sa pagiging insensitive niya lalong lumala. Akala ko ngayon magkakababy na kami magbabago sya, sinabi ko naman nung una pa lang na sana pagpasensyahan nya ko sa mga mood swings ko pero dapat pala ako raw ang mag adjust, kasalanan ko raw pag may nangyari sa bata dahil sa kaartehan ko. Pag nagsasabi ako ng problema o pag may nakikita akong mali, masasakit na salita yung mga binibitiwan niya. Kagaya nung time na tinanong ko sya kung sino ung babaeng kasama niya sa picture nung nag palawan sila, hindi niya kasi ko minemmessage noon, pinapatayan pa ko ng phone, bigla syang nagagalit tapos sinabi na baliw raw ako, kaya raw ako iniwan ng mga ex ko kasi ganito ako, tanga. Sana nakinig nalang daw sya sa nanay niya kasi akala niya magiging masaya sya skin. Hindi ko alam kung ano mas masakit, yung mga sinabi niyang yan or yung sinabi niya nung nakikipaghiwalay sya, sasabihin daw niya sa magulang niya na hindi sa kanya ung bata, na nabuntis ako ng iba, na may lalaki ako. Kinabukasan nag sorry ako para lang matapos na. Sinabi niya rin pala sakin nung umpisa pa lang na ayaw sakin ng magulang nia lalo na ng mama niya dahil mas gusto nito yung anak ng kaibigan niya na nurse sa America, pero nabuntis na ko kaya wala na silang magawa, nung sinabi daw ng nanay niya na dun na ako tumira, at magpakasal na daw bago ako manganak, di ako pumayag Sinabi ko na gusto ko muna pagtuunan ng atensyon si baby. Hindi rin naman ako magiging komportable sa kana dahil ayon sa kanya, OC ang nanay niya. De numero ang kilos. Nakiusap ako na sana bumukod kami kahit maliit lang na tirahan tutal pareho naman kaming may trabaho. Sinabi ko rin sa kanya na pakasalan nia nLang ako sa oras na kaya na niya, yung buo na ung loob nia. Hindi dahil sinabi lang ng nanay niya. Hindi nya maintindihan un. Ibang klase daw ung pag iisip ko. Ang tanga ko. Pinapahirapan ko raw sarili ko. Di naman ako perpekto, may mga oras na nakakapg sungit talaga ako at nakakapagbtaw ng di maganda. Mali po ba ako sa desisyon ko? Para kasing lumalabas na inggrata ako. Salamat sa magbabasa.

82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakit sya mag salita, focus ka nlg muna sa sarili mo and kay baby mamsh and then sabayan mo ng pag iisip at marealize mo kung ano ba talaga worth it ba sya

VIP Member

Ang sakit isipin mamsh na stuck ka sa ganang lalaki, yan pa ama ng anak mo. Iwanan mo na lang kung habang buhay ay magging pasakit lang yan sayo.

VIP Member

Minsan kasi akala naten dapat buo pamilya, pero kung sa umpisa palang ganyan na. momsh isipin muh nalang kapa kanan muh at ng baby muh.

VIP Member

Sad to hear that story hays minsan talaga akala na natin nakita na natin ung da one yun pala hindi pa stay strong for da baby girl 👍

VIP Member

Kung ganyan ugali ng asawa mo nako tama ka . Wag ka muna mag pakasal. believe me ate wag kang papatalinsa ganyang ka insensitive na lalaki

Kayang kaya mo naman ate buhayin si baby magisa, gawing mong strength si baby para malagpasan mo lahat ng challenges mo po ngayon.

Hiwalayan mo to mamsh. Toxic masyado. It's better na maging single mother kesa makisama sa isang taong habambuhay kang gaganyanin

Malaking desisyon para sayo for the sake ng baby. Kaso mahirap kasi ngayon pa lang nga ganyan na ugali nya sayo....be strong sis

VIP Member

Hiwalayan mo na yan sis. Nako, wag na wag kang papayag na sinasbihan ka ng ganyan. Kung mahal ka nyan hndi nya para sabihin yan

focus ka sa baby mo nlng muna sis. pag labas ng baby mo tgnan ko lng di sainyo dalawa atensyon lagi nyan pag nakita na baby nya