asking for suggestions or based on your experience po, be kind!
i'm 11 weeks pregnant po and this week palang po ang first check up ko, ask lang po ako about sa first check up experience nyo po
5 weeks ako nung first check up namin ni baby, hindi pa ako inultrasound nun kasi sabi ni doc wala pa din makikita. I dunno in your case if iultrasound ka na mommy on the spot. Basically, icheck kung high risk ka ba o hindi. Then, idetermine yung EDD mo so dapat alam mo yung LMP mo. Then resetahan ka nya ng vitamins. Suggestion ko, ilista mo mga questions mo kasi nung ako nakalimutan ko na nung kaharap ko na si dok. Pwede mo sabihin mga nararamdaman. May spotting ba, cramps, sobrang pagsusuka. Sa case ko nun, may konti akong spotting at may nararamdaman ako na nahilab sa puson ko. Kaya naresetahan ako ng pampakapit. If may questions ka sa paglilihi mo, mommy, ask mo na din. Nung sakin andami na kasi nun nakapagsabi sakin ganito gawin ganyan, bawal ganito ganyan. So tinanong ko yun kay dok kung tama ba mga yun. Go mommy, madidinig na heartbeat ni baby nyan. Exciting! ๐ฅฐ
Magbasa pa