Hi mga mimaaaa. Ask lang po

Ilang taon po si LO pwede mag screen time? At bakit po pinagbabawal ito? FTM here. Thanks po :)

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po! According sa developmental pedia po, as much as possible, NO screen time po (except video calls) hanggang 2 yrs old. Then from 2 to 5 yrs old, very limited pa rin. 30 mins yata un if I remember correctly. Sa ngayon, wala pang enough evidence kung ano ang masamang nadudulot ng screen time at a very young age kasi, in the first place, hindi po makakagawa ng studies ang mga doctor dahil mga babies ang involved. Ang explanation pa nga ng pedia po samin ay halimbawa sigarilyo. More than 50 yrs ago, wala pang enough evidence tungkol sa smoking kaya di pa sya pinagbabawal. Pero after many years na nakaipon ng evidence mula sa mga naninigarilyo at mga effects sa health nila, pinagbawal na po paninigarilyo kaya tadtad pa nga ng warning mga kaha ng sigarilyo. So sabi ni pedia samin, parang ganon din sa screen time. Ang na-oobbserve currently ay may bad effects ang screen time pero di pa solid ang study kasi syempre hindi naman makatao na ibabad ang mga baby sa screen time para lang mapag aralan effects. Personally, ang plano ko sa baby ko ay 5 yrs old ko pa sya bibigyan ng 30 mins na screen time. Video calls lang with relatives ang screen time nya ngayon na 6 months sya. Ung mga pinsan nya na di nalalayo sa edad, nasanay na agad sa celpon kaya kahit 3 yrs old pa lang, di na mabitaw bitawan cp tapos nagwawala pag di ipahiram.

Magbasa pa
3y ago

need mopp bilin ng salamin pang bata meron nun para di masira mata