Hi mga mimaaaa. Ask lang po

Ilang taon po si LO pwede mag screen time? At bakit po pinagbabawal ito? FTM here. Thanks po :)

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po! According sa developmental pedia po, as much as possible, NO screen time po (except video calls) hanggang 2 yrs old. Then from 2 to 5 yrs old, very limited pa rin. 30 mins yata un if I remember correctly. Sa ngayon, wala pang enough evidence kung ano ang masamang nadudulot ng screen time at a very young age kasi, in the first place, hindi po makakagawa ng studies ang mga doctor dahil mga babies ang involved. Ang explanation pa nga ng pedia po samin ay halimbawa sigarilyo. More than 50 yrs ago, wala pang enough evidence tungkol sa smoking kaya di pa sya pinagbabawal. Pero after many years na nakaipon ng evidence mula sa mga naninigarilyo at mga effects sa health nila, pinagbawal na po paninigarilyo kaya tadtad pa nga ng warning mga kaha ng sigarilyo. So sabi ni pedia samin, parang ganon din sa screen time. Ang na-oobbserve currently ay may bad effects ang screen time pero di pa solid ang study kasi syempre hindi naman makatao na ibabad ang mga baby sa screen time para lang mapag aralan effects. Personally, ang plano ko sa baby ko ay 5 yrs old ko pa sya bibigyan ng 30 mins na screen time. Video calls lang with relatives ang screen time nya ngayon na 6 months sya. Ung mga pinsan nya na di nalalayo sa edad, nasanay na agad sa celpon kaya kahit 3 yrs old pa lang, di na mabitaw bitawan cp tapos nagwawala pag di ipahiram.

Magbasa pa
2y ago

need mopp bilin ng salamin pang bata meron nun para di masira mata

Nung nag-2yo anak ko pinayagan ko na sya manood sa tablet, no more than 1 hr/ day. Napansin ko after mga 1wk lang of screentime, parang nagbago agad ugali nya, mas madali syang maging cranky at magtantrums. Kaya bawal na ulit sya manood sa tablet/ youtube. Ngayon, pinapayagan ko sya mag-tv, mas madali limitahan at idiscipline kasi hindi anytime, anywhere, anything ay makakanood sya. Ang problem rin daw kasi ngayon, even as adults using smartphones ay yung "instant gratification", na hirap na tayong manood ng mahahabang video, scroll lang ng scroll, skip nang skip. Kung tayong mga adults ay naa-addict sa gadgets natin, then what more can we expect from children? Kung magbigay man ng screentime, better daw kung ang panonoorin nila ay yung mga real people, rather than animation, para mas mabasa nila yung galaw ng lips, also to learn to read people's expression. Also better to watch a full 30-mins show rather than multiple short videos para yung attention span nila ay matrain din.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mga mii share ko lang po kasi may work ako and yung partner ko so basically parents ko naiiwan kay baby I think ok naman ang panunuod if educational yung pinapanuod ng bata especially kung wala kang choice talaga dahil nga sleep ako sa araw sila mama nag babantay sa mag 2 yrs old kong baby. Ok naman basta controlled rin si baby pag 1 hr na nakanuod sya mismo aalis at mag lalaro pag kami mag kasama no screen time sya sinusulit namin mag laro ganun dn sa daddy nya pag sa parents ko lang sya nakaka pag screen time Ang pinapanuod nya is Ms. Rachel, phonics song ng chuchu tv, minsan cocomelon or nursery songs My baby can now identify body parts, can count 1-10 sometimes up to 20 knows the different animals and fruits dahil may book din sya na may animals and foods na may tunog. May flashcards dn sya ng alphabet etc. Beneficial naman din ang screen time but in moderation tapos make sure educational pinapanuod nila.

Magbasa pa

mamsh skl experience namin sa pamangkin ko. as early as 1yr old nagkascreen time na sya babad sa youtube kasi un ung pangaliw namin sknya habang gumagawa kami ng gawaing bahay. then napansin namin 3y/o na sya pero hindi pa din sya gaano nagbabanggit ng words, so nagkaron sya ng speech delay. so as per experience mamsh hangga't kaya wag muna iexpose si baby sa gadgets.

Magbasa pa

nung mag ofw ako sa HK nag start mag screentime yung alaga ko 2years old limit lang(tv pa). later on pinapayagan na siya mag screentime sa gadgets..nakalayo yung gadgets sknya ..pero may limit ...nagseset ako ng rules before siya makapanuod sa gadgets..Kelangan nakatidy lahat ng kinalat niang laruan...

Magbasa pa
VIP Member

May mga nababasa and kilala ako na nagka speech delay dahil sa screen time. Well according din daw po sa mga dev ped nila nakaka trigger din daw po ng autism. Not sure, kasi parang limited pa din ang studies. Kaya as much as possible wag nalang muna.

Personal experience po namin sa pamangkin ko, wala pang 1yr old pinapag cellphone na sya ng mama nya para may mapaglibangan until now na 4years old na sya kapag nasosobrahan sya sa cellphone sumasakit ulo nya saka nag susuka.

Yung anak ng friend ko,phone gamit niya then nagdevelop sya ng parang mannerisms na pipikit-pikit yung mata.

ang advised samen ng pedia.. no screen time until 3yrs old. pwede kasi maging delay and develoment ni baby