Advice pls!

Ilang months po bago mawala ang halak ni LO nyo? And kung pinainom nyo po ng oregano ang LO nyo gano po katagal bago mawala yung halak nya?.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa baby ko 2 months nung mawala ang halak nya. Wala akong pinainom na kahit ano, itinae nya lang yung plema. Tuloy-tuloy lang ang pagpapaburp ko sa kanya every after dede. Medyo nagworry nga ako noon kase akala ko kung ano, yun pala eh yung halak nya yun. Tas sa pinsan ng baby ko which is 2 months older, pinainom ng byenan ko ng kung anu-ano, oregano, ampalaya at malunggay pero hindi naman nawala ang halak.

Magbasa pa

Pa burp lang po after feed. Then wag pa inumin ng kung ano ano ang baby lalo pa't d pa pwde. Kung breastfeed kayo , kayo na lng po uminom ng oregano para ma dede ng baby

Yung LO ko, 4mos na wala na pero kahit 5mos na siya tuloy lang yung pag burp ko sakanya. Hanggang 6mos daw sabi ng pedia need ipa-burp si baby

VIP Member

2 months pero hindi po kami nagpainom ng kahit ano. Inayos lang namin pagburp.

if exclusive breastfeeding po kayo, normal daw po ang halak sabi ng pedia.

May I ask kung sinabi ni Pedia na may halak nga si baby?