Hello po. Asking about philhealth po.

Ilang months po ang need hulogan para magamit sa panganganak? 3yrs po yun na stop. Due date ko po is this March na.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

if public hospital ka mi, pwede ka magpa indigent. Na stop din ako ng hulog last yr. Kabwanan ko na din this March. Kuha ka lang ng cErt. of Indigency sa barangay nyo, tas ipasa mo yun sa DSWD then bibigyan ka ng papel na financially incapable ka. After ka bigyan sa DSWD punta ka Philhealth dala yung form galing DSWD tas paxerox mo yung ultrasound mo patunay na preggy ka. Tas ipasa mo yun sa philhealth bibigyan ka ng form na fifill upan mo. Then pagkapasa mo, bibigyan ka nila ng form mismo na ipapasa sa hospital pagkapanganak mo wala ka babayaran. 😊

Magbasa pa