29 Replies
8 weeks transv - requested by ob to confirm pregnancy and baby’s heartbeat 23 weeks - CAS, ako nagrequest sa OB ko ng CAS kasi pelvic lang pinapagawa nya. Umokay naman sa kanya, sabi ko kasi I want peace of mind and gusto ko rin macheck yung well being ni baby if may defect at least prepared kami. Thank God, safe si baby and nalaman din namin gender. 31 weeks - 3D/4D, ako din narequest sa ob ko kasi excited kami makita itsura ni baby. Super worth it. As FTM, ang saya sa feeling. 33 weeks - pelvic ultrasound to check if nakapwesto na si baby, enough amniotic fluid, tama ba ang weight, etc. Requested by OB Now I am on my 36 weeks. This Sat pa ang balik ko sa OB ko and 37 weeks na ko by then. Itatanong ko din sa OB ko kung kailan ako isschedule for BPS naman. It’s good to ask your ob or ikaw mismo mag initiate.
Nge? Once nagpa checkup ka trans v, may scheduled date dapat kung kelan ka babalik, sinasabi nila yan at susundin mo dapat yon. At dapat may 1st laboratory ka na din once na nagpa trans v ka para macheck if high/low risk pregnancy ka. Sa lying in din ako nagpapa checkup na may OB at since low risk pregnancy ako, once a month ang checkup ko during sa 1st and 2nd tri. Every checkup up is nag uultrasound talaga to monitor the baby's heartbeat and position. Pagpasok ng 3rd tri every 2 weeks na ang checkup at ultrasound. Pagdating ng 37 weeks ko, weekly na ang checkup at ultrasound. Yung CAS ko naman around 27 weeks ata ako non si OB din magsasabi kung kelan ka ischedule for CAS.
sa akin po madaming beses 5 weeks - tvs to confirm pregnancy 7 weeks - tvs to check heartbeat 10 weeks - tvs 12 weeks - pelvic ultrasound 22 weeks - CAS 28 weeks - biometry 29 weeks - 3d/4d im currently 29 weeks po. actually karamihan nyan ako po mismo nqgrequest sa ob ko. gusto ko kasi ma ensure na okay si baby. nqpqpqnatag lang ako pqg nakkkita ko na okay ultrasound result nya. better mommy ikaw na mismo magpa ultrasound. meron naman tumatanggap ng walang request from ob.
Case to case basis mii. Kapag risky pregnancy ka esp low-lying placenta, almost every visit mo hanggang sa bago ka manganak iultrasound ka talaga para mamonitor kung tumataas ba placenta mo. Pero kung wala namang problem sa pagbubuntis mo, pwede ka na magsabi sa OB mo na gusto mo na malaman ang gender. Pero pwedeng ikaw nlng pumunta sa kung saan ka pwedeng makapagpaultrasound pra malaman gender ng baby mo. Saken kasi OB-Sonologist kaya very convenient.
Sakin po madaming beses 5 weeks TransV to confirm pregnancy (OB) 8 weeks TransV to check heartbeat kasi nung 5 weeks sac palang yung kita (OB) 13 weeks NT scan (OB sonologist) 18 weeks normal scan lang sa OB to check heartbeat and nakita na din gender 23 weeks CAS (OB Sonologist) I'm 28 weeks now and may check up ako sa OB this week. Usually pag sa OB lang chncheck lang nya heartbeat and tntgnan yung weeks ng baby if sakto sa date.
Mommy..wag mo na hintayin sabihin pa sayo na iUltrasound ka..Kasi NASA saiyo Naman Po Yan kung gusto mo Po magpaUltrasound.Wala Po silang kinalaman sa ultrasound..Ikaw Po Ang magdedecide niyan mamsh.. MagPaUltrasound ka na mamsh para malaman mo din kung okay lang ba si Baby sa Loob Ng tummy mo at kung ano gender..Ako Po 25 weeks ako alam ko na Po gender Ng baby ko..Ngayon nanganak na ako.. mag2 months na Siya.First time mom din.
Wag mo na po hintayin sasabihin ng lying in.. ikaw na po mismo ang magsabi. Sa ganyang weeks po dapat may CAS na po with gender.. (22weeks up pwede na CAS) depende sa pagbubuntis kungbilang beses ka ipaultrasound. dapat 1st tri, 2nd tri at kung 3rd tri pati bago manganak o due date na naultrasound para sure po..
qng Hindi Po high risk Ang pregnancy pwede namn pong once per trimester lng. ito Po sakin 8 weeks transv 24 weeks CAS/gender and 1 dw Po around 34 or 37 weeks. kpg dw di pa nanganak ng 37 or 38 weeks den magwiweekly ultrasound dw kmi.
pwede na Po Ang CAS from 24 weeks
saakin po 1st ultrasound 6weeks trans v 2nd ultrasound. 22 week CAs 3rd ultrasound kopo BPS 35 weeks and 6days tas nag paulit po ob ko ng 1 pang bps ngyn 38 weeks ko depende po un. sa mga ob niyo or ask mopo saknya na mag pa ultrasound ka
Ako po monthly ang check up. mas ok kse pag nachecheck ka ng OB, currently 25weeks pregnant ako at may gender na baby ko at nka pag CAS na din. monthly ko din naririnig ang heartbeat ni baby every ultrasound sa kanya. ♥️
Anonymous