Iniwan kami ng tatay ng baby ko!
Ilang beses nanako nagshare ng story ko dito. Ngayon nag breakdown nanaman ako, iyak ako ng iyak. Wala ako mapag labasan ng sama ng loob. Mag 3 months na akong ganito, ang bigat bigat padin ng loob ko sa pag iwan samin ng tatay ng anak ko. Na alam nyang high risk ako, walang magulang, kapatid. Mag isa na lang sa buhay pero sya nabubuhay ng normal. Hindi nya ba naiisip ang anak nya? Bakit may mga lalakeng kayang kaya tiisin ang anak nila para sa sarili nilang kapakanan. Nagdadasal ako pero bakit parang hindi ako naririnig ni Lord, bakit masakit padin ngayon? Mag 8 months na ako sana pag labas ni baby mawala na tong sakit na pinaramdam ng tatay nya. Mahal na mahal ko ang mga anak ko pero napang hihinaan na ako ngayon sa nangyayare sakin.