9266 responses
nakikitira pa kasi kami ni baby ngayon sa lola ko, nasa barko pa kasi asawa ko 😞 sana makapag pundar din kami ng sariling bahay namin para mas komportable kaming kumilos kasi syempre kahit kapamilya ko na makikisama padin sa lahat, lalo na pag lumipat kami sa side nya 😖
Not exactly magandang bahay. Maganda kasi pag sarili mo yung bahay. Wala makikealam sayo at iwas sa samaan ng loob. Mahirap na hindi kasi natin masasabi maganda na pakitungo mo pero at the end of the day may masasabi at masasabi sila sayo. We’ll never know. 😂
sana para makagalaw kami ng maayis kapag sariling bahay wala kang pakikisamahan kundi yung partner mo lang, sana may sarili kaming bahay pero sana magbago na at maayis yung ikakasama mo sa bahay syempre para masaya hindi puro away at walang halong pagsi sisi
Nakatira kami sa Inlaws ko..at OO maganda ang bahay nila kasi may kaya sila, but malungkot kasi kanya kanya sa bahay..may mga sariling mundo mga kasama ko. Mas maigi na hindi kagandahan ang bahay pero may mga pakelam kayo sa isat isa..at HINDI TAMAD MGA KASAMA
Dream ko talagang makatira sa malaking bhay, pero naiipon pa kaming mag asawa pra makabili na kmi nang bhay.. Pra mas comportable ang anak namin.. Pero ok na din iyong khit hindi lang malaki at maganda basta magkakasama kami nang pmilya ko at masaya..
Kahit hindi basta bsta malinis tapos yung kami lang yung nagagawa naming mag anak yung gusto namin. Sa panahon kase ngaun mahirap ng makisama sa bahay ng kanya kanyang pamilya kase gumawa ka man ng mabuti may masasabi at masasabi pa din sila.
mas ok kse ung mas maganda saka ung kayo lang atleast my privacy kayo at d ka nahhirapan o partner mo mag adjust sa family mo if nasa family ka although kahit wala ka problema sa kanila but still iba pa din ung separate kse kayo lang.
oo para nagagawa ko yung gusto kong ayos ng bahay, i can do whatever i want at mas kunti ang trabaho pag sarili mo ang bahay though wala nman akong problema sa byenan ko but i prefer parin na bumukod kmi kahit sa maliit na bahay lng.
para sa akin , kahit saan basta ang importante buo kaming pamilya at magka kasama . pero kung may pagkakataon naman , why not di ba ? sino ba namang magulang ang ayaw ng kumportableng bahay o pamumuhay para sa mga anak nila di ba .
Kasi Wala kaming sariling bahay. di naman ibig sabihin ng magandang bahay Yung pang mayaman na o Kaya magarbo. para sakin kahit mumunti Basta malinis at may sariling banyo at may kwarto at may kusina maganda na Yun. 😀😀😀