Thankful

I just want to share something po. First time Mom here. Last February 21 po ay 12 weeks and 2 days na si baby. Bumyahe ako ng umaga papuntang school kasi kailangan ko kunin ang TOR ko. Sumakay ako sa jeep at pumwesto sa bandang hulihan. 20 minutes na kong bumabyahe ng biglang sumabog ang gulong ng jeep (yung bandang hulihan) at aksidente ring nabangga pa ang jeep na sinasakayan ko ng isa pang jeep. Halos lahat ng impact ng nangyari ay naramdaman ko. Habang pababa na yung mga kapwa kong pasahero , parang wala ako sa sarili ko. Di ko magawang makababa kasi sumasakit ang tiyan ko. Buti na lang may tumulong sakin na isang pasahero para makababa. Imbis na sumakay ng ibang jeep at dumiretso sa eskwelahan, nagpasundo na lang ako sa boyfriend ko dun sa pinangyarihan ng aksidente at iniuwi nya na lang ako. Mga 12 noon, panay sakit ng puson ko akala ko okay lang at maya maya mas lalo pa gumagrabe ang sakit at nag spotting din ako. Kaya agad na kami tumakbo ng boyfriend ko sa OB namin. Pinarelax ako ng OB ko kasi na Stress daw ako. Pinakinggan ang heartbeat ni baby.. Naluha ako ng nalaman kong okay lang si baby at okay heartbeat nya at isa pa narinig din namin yung galaw nya. Sabi ng OB na okay si baby at okay din ang movements nya kaya nothing to worry. Kaya sa mga momshie na katulad ko, takbo agad kay OB kung may nararamdamang sakit. At magiging okay ang lahat.

Thankful
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same tayo sis,nung nagbleeding ako nung 12 weeks pa lang ako,punta ako agad sa ob to check if ok pa ba c baby..praise god may heartbeat pa nmn c baby..due to stress lang daw kaya pinabedrest ako for 2 weeks then niresetahan din ako ng gamot

nextime mamsh ingat ingat tayo di natin talaga inaasahan ang aksidente kami din nabangga nung last 2weeks buti di napano si baby nasa harap pa naman ako..pray Kay God bago umalis ng house!! ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Konting ingat nlng din sa susunod sis. God bless sa inyo ni baby๐Ÿ˜Š Goodluck din sa magiging journey mo as preggy๐Ÿ˜Š

May movements na pala cbaby pag 12 weeks???๐Ÿค” ako kasi hirap pa edect ung heartbeat ni baby nong mag twetwelve weeks sya

5y ago

Yes sa ultrasound ma dedetect na sya but i mean sa doopler . Nadedetect narn pala

God is good! Ingat kayo lagi, mamsh! Pray ๐Ÿ™๐Ÿผ

Good to hear po. be strong po always kase si baby strong din

mabuti nman po at okay lang c baby .. Godbless po momsh โค

VIP Member

Good to know maayos kayo ni baby ingat po God Bless

Thanks god. Safe kayo mamsh!โค Take care always

Tnx God at safe si baby and you..๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™