AFTER DELIVERY

I just want to share my experience after my delivery. Nanganak ako ng March 25, 2021 @11:20pm sa 2nd son ko, medyo matagal ang labor and delivery mga almost 7hrs. because my cord coil si baby and thank God nakalabas pa rin siya via normal delivery. Dinala na ako sa ward room namin mga 1am na siguro yun with my baby but my problem nag arise. My ihi was not normal, hindi ko lahat malabas, kunti lang at yung sakit na parang may UTI, naiiyak ako tuwing may lumalabas na ihi. I thought normal lang, nung araw then yun medyo wala nang lumalabas na ihi sa akin, pagdating ng hapon naging unconfortable na ako masakit sa may puson ko na parang nag lalabor ako, akala ko baka sa tahi ko. Nag call kami ng nurse para macheck ako, then may dumating na resident doctor nag interview sa akin. They found out na may urine got stuck in my bladder. They used catheter para malabas lahat. Then they observed ulit sa akin. But hindi pa rin ako maka ihi. So they decided to insert a catheter in me. Until na discharge kami may catheter ako, pinabalik ako kinabukan sa ER to check if ok na ako but hindi pa rin. 5x kami pabalik2 ng OB ER to check kung ok na ako but hindi pa rin 4 weeks ako na may catheter, mahirap ang situation ko hindi ko maalagaan fully ang newborn ko. Malapit akung ma depressed don. Until may last check sa OB ER ng hospital sadly bad news pa rin so my Ob decided to refer me to an eurologist to check me. Then nung araw then yun nag punta kami, thank God after a test hindi na siya nagpa insert ng catheter, because malapit na daw ma heal ang bladder ko, i need 3 days na lang. I need to follow lang how to void sa bahay. Thank God after 3 days ok na ako. Sobrang gaan sa pakiramdam. My urinary retention pala ako, due to my labor naapektuhan ang bladder ko, need to rest lang daw kaya nag catheter ako, kasi kung walang catheter magiging uncomfortable ako. Sasakit ang puson ko. Sa nakabasa na same experience ko, huwag po mag alala gagaling ka rin. Laban lang. Thank you for reading. #pregnancy

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa kakasearch ko with same situation, nakita ko to, ganun din nangyayari sakin ngayon, nirefer na ako sa urologist dahil di rin ako makaihi ng normal, yung uro ko sinuggest nya na mag catether ako for 7 days at niresetahan ng antibiotic, nakaka 3 days palang akong may catether at sa september 4 pa ito tatanggalin, hopefully my progress dahil ang hirap ng ganitong sitwasyon.. πŸ˜₯ please enlightened me na magging normal din pag ihi ko after 7 days.

Magbasa pa

congrats sis at nakaraos kana. ako hanggang ngayon catheter parin. Urologist na ang nag suggest, 35 weeks ako nung nakaranas ng pagsakit sa puson, naka ilang advise at test na ako pero wala padin. UTI lang ang dahilan, hanggang sa nagka retention. More than 2 years na akong may catheter, dahil nawala na yung sensation ko maka ihi.

Magbasa pa

thanks for sharing mommy 😁