NEED YOUR OPINION MGA MI

I want to post anonymously since may mga kilala po ako dito sa group na to.. Ayaw ko may maging masama Ang tingin sa mama ko or sakin if ever. SURVEY LANG PO! Valid po ba naramdaman ko? Nainis kasi ako sa mga sinabi ni mama sakin, kumbaga na hurt ako. Ganto po kasi yun, 8:30pm na di pa natutulog si baby Ayaw niya pa matulog since mahaba Ang naging tulog niya ng hapon 6pm na siya nagising non.. lumabas Kami ng kwarto sabi ko Kakain muna ako Ayaw pa matulog no baby. Then ganito na po naging sagutan namin. Mama: Di kasi yan makakatulog kung Hindi mo ihehele. Me: ha? Napapatulog ko naman to ah at di ko naman na talaga siya hinehele kasi Ayaw ko nga sanayin. Mama: eh sanay na yan. (Dito nakakaramdam na ako ng irita, like sa isip isip ko “Mas alam mo pa eh ako Ang nanay??”) Me: Hindi to sanay. Bat napapatulog ko? Mama: Eh may Dede ka eh Kaya nakakatulog. Kung Wala kang Dede di mo yan mapapatulog. Ako napapatulog ko yan ihehele ko lang. Yun, nainis na ko mga mii.. nagtalo na Kami. Ewan ko pero naoffend ako ehh. Tapos sabi masyado lang daw akong sensitive. Totoo ba na ako lang Ang ganito? O ganito din po ba kayo? Sabi niya kasi di naman daw lahat ng nanay ganto kagaya ko na sensitive at overprotective pa daw ako sa anak ko. Tapos sinasabi niya pa dati nung siya daw hinahayaan niya lang kung ako gusto ng nag aalaga sa anak niya. FYI po, ako nag aalaga sa anak ko.. nag aalaga man si mama, di ko full time na pinapaalaga sa kanya like pakitignan lang ganon pag may need ako gawin. Since nagwowork din po ako WFH pero at the same time super hands on po ako sa anak ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako aminado ako mas OA ako. maarte ako at ni ayaw ko pahawak baby ko sa iba maski sa lola nya. kung bagong hugas ng kamay/alcohol ayos lang. Ako lang talaga nagbubuhat kay baby ko. Pag naiiwan ko saglit sa playpen o sa high chair pinapatignan ko saglit sa mom ko. Wala kasi asawa ko. At nasanay rin baby ko dede while hele para makatulog. Nagstart sya ng ganong nung 3 months sya at minsan nakakatulog naman sya ng kusa pag side lying at nadede sakin pero minsan lang yun. Pag nakakarinig ako sa mom ko ng kung ano ano hindi ko rin mapigilan masagot minsan pero I try my best na mahinahon ako pero laking masungit kasi ako (mana rin sakanya) kaya automatic bwelta din ako kasi ayoko pangungunahan rin ako ng gagawin ko sa baby ko. Oo marami ng experience sya kasi 4 kami magkakapatid pero deep down sa akin ayaw ko rin naman yung ways na mga suggestion nya. Lalo na makalumang panahon pa mga sinusunod nila. I listen sa suggestion nya pero itatanong ko lagi na bakit? para san? Pag makasabi lang din pero kung alam ko mali bakit ko susundin. Example lang nung nag gagagging si baby ko during meal time nya so mahinahon ako kailangan yun sabay sabi ng lola nya itaas ko daw ang kamay nya. sabi ko ha?? bakit? sabi nya para pagkataas daw sabay lunok daw. HAaa? anong sense nun dba? so ayun in short kung ano tingin ko tama sa baby ko yun ginagawa ko. Kung nahihirapan ako ngayon dahil ayaw magpababa or maiwan kasi ayaw ko din naman iiwan sakanila, magtiis ako. Isang beses din iniwan ko sa playpen katabi lang ng sofa andun lola nya, pag tingin ko malapit na mangudngod yung baby ko. Hindi rin nya naman binabantayan busy manuod ng tv. Kaya as much as possible mas mainam ako magbantay para wala akong masisisi na iba. Kaya my child, my rules. Sorry napa vent din ako sa post mo. 🥲 Pero alam ko nagets mo yun na may mas sensitive pa sayo pero okay lang yun. nanay ka kaya alam mo sa sarili mo din kung ano dapat mo gawin sa baby mo. kung may hindi ka alam we know how to ask others for help naman

Magbasa pa

Valid yang nararamdaman mo pero wala akong nakikitang masama sa sabi ng mama mo 😉 For me concern lang siya sa apo niya. Mali lang cguro pagkasabi nya sayo. Sana sinabi mo nlng na ang taas nga tulog nya buong maghapon kaya d pa naantok. Based sa experience namin sa pamangkin ko kasi ayaw din pinupuna, ayon d sakto ang sleeping routine til 6 years old kasi nasanay na d pinapatulog sa tamang oras kasi raw nakatulog maghapon.

Magbasa pa