39 weeks and 3 days

I just wanna share my feeling right now. Alam nyo yung ginagawa mo naman lahat para makaraos na. Lakad lakad,baba akyat sa hagdan,squat,kain ng pineapple at inum ng Chuckie. Pero yung mga taong nakapaligid sayo,gusto na nila lumabas si baby. Pano kung ayaw pa talaga lumabas ni baby,mapipilit ba yun..Umiinom na nga ako ng evening primrose pero ganun parin. Yung gusto ko irelax ang sarili ko,at hintayin nalang kung kailan lalabas si baby. Pero hindi ko magawa kasi sila pinipilit nila na lumabas na. Excited din naman ako makita at makasama na si baby eh. Alam nyo yung nakakastress nalang. Hindi ko daw kasi tinutulungan na lumabas si baby,. Umupo lang ako saglit papansinin,humiga lang ako papansinin. Lagi ko na nga kinakausap si baby na lumabas na sya kasi madami na excited na makita sya.. Alam ko naman na nag woworry sila na baka maoverdue ,makakain ng dumi si baby sa loob or maCS ako. Iniisip ko din naman yun,pero ayoko din naman ipilit na palabasin si baby kung ayaw nya pa talaga lumabas. 😥

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pareho tayo Mamsh, 40wks 1 day ako today kada lumalabas ako para maglakad-lakad nababati ng kapit bahay kaya siguro nagtatampo na Baby ko ayaw pa lumabas. Excited na din kami makita sya pero ayaw pa talaga nya lumabas eh. Yung iba naiintindihan naman kasi panganay daw kaya matagal talaga pag deliver pag 1st born. Sana makaraos na tayo ng normal and healthy and safe! God Bless! 🙏🏻😇🤗

Magbasa pa
5y ago

same po tau mommy dami na nagtatanong sakin kung nanganak na ko d ko na lang nirereply'an. pinagpapray ko na lang na sana makaraos na din kami ni baby🙏