39 weeks and 3 days
I just wanna share my feeling right now. Alam nyo yung ginagawa mo naman lahat para makaraos na. Lakad lakad,baba akyat sa hagdan,squat,kain ng pineapple at inum ng Chuckie. Pero yung mga taong nakapaligid sayo,gusto na nila lumabas si baby. Pano kung ayaw pa talaga lumabas ni baby,mapipilit ba yun..Umiinom na nga ako ng evening primrose pero ganun parin. Yung gusto ko irelax ang sarili ko,at hintayin nalang kung kailan lalabas si baby. Pero hindi ko magawa kasi sila pinipilit nila na lumabas na. Excited din naman ako makita at makasama na si baby eh. Alam nyo yung nakakastress nalang. Hindi ko daw kasi tinutulungan na lumabas si baby,. Umupo lang ako saglit papansinin,humiga lang ako papansinin. Lagi ko na nga kinakausap si baby na lumabas na sya kasi madami na excited na makita sya.. Alam ko naman na nag woworry sila na baka maoverdue ,makakain ng dumi si baby sa loob or maCS ako. Iniisip ko din naman yun,pero ayoko din naman ipilit na palabasin si baby kung ayaw nya pa talaga lumabas. 😥
ilang cm na po kayo, mommy? wag po kayo pastress, nakakaepekto din po kasi yan kung bakit na dedelay paglabas ni baby. masama din po na mapagod kayo ng sobra gawa nang possible daw po is magpoops si baby sa loob. ganyan din po ako bago lumabas si baby. 40w 3d na nung lumabas si baby, nastress ako gawa ng minamasama ng mom ko yung pagtulog tulog ko, napupuyat ako gawa ng false labor kaya sumasama pakiramdam ko. twice a day na kami maglakad halos maikot na buong subdivision, minsan pa nilalakad namin hanggang katabing subdivision namin tapos 12reps, 5set yung squats ko, insert na rin ako ng prime rose kahit walang advice ng ob, pinya araw araw, nakikipagdo na rin ako sa partner ko, nagchuckie na rin ako kahit nakakalaki ng bata - na normal ko naman kaso sobrang dumi ng panubigan ko gawa nang nakapoops na si baby sa loob, kaya for 1week tatlong beses tinuturukan si baby ng antibiotics, nagsusugat na din hita nya gawa ng injection, nakakaawa kaso kelangan nya yun
Magbasa paSame sentiments, mommy! Ako nga 41W1D na ngayon. Stuck sa 2cm 2 weeks na. Lahat na din ginawa ko na same sayo. Pati buscopan at eveprim ininom ko na rin as per OB pero wala pa rin. Naglalagay na nga ako ng 3-4 eveprim ever night humihilab lang pero di tumutuloy. Lagi nila akong sinasabihan na mag walking at squat. Ginagawa ko naman kahit pagod na ako pero wala pa rin e. Nagwoworry na ako ng sobra. Naiiyak na rin ako sa sobrang stress at pressure. Unang apo kasi kaya excited silang lahat. Kumpleto na sa gamit. Tanong ng tanong kung di pa ba sumasakit. Lagi nilang kinakausap si baby sinasabihan na lumabas na. Kung kaya lang pilitin lumabas si baby diba? Hayaan mo mommy makakaraos din tayo. Always pray lang. 🙏
Magbasa paSame tayo po tayo 36 weeks and 2 days n ako peo ung mga kapit bahay ko daming sinasabing negative sken..bawal daw ang tulog ng tulog baka daw lumaki si baby..sinasbe k sa knila n ndi ako natutulog sa gabi kaya umaga ako ntutulog peo sbe nila lalaki daw ang baby sa tyan dapat daw mag pa cs n ako baka nga daw makakaen ng dume si baby sa tyan ksi ang tagal daw lumabas e anu mgagawa nten kung ayaw p tlga ni baby lumabas ..masyado nila kinukumpar ang kalagayan ko sa kalagayn nila noong sila buntis kakayamot lang isipin... Tiwala lang mommy makakaraos din tayo may tamang oras n ibibigay si god para sa pag labas ni baby pray lang po tayo..
Magbasa paOkey p man yan na 36 week and 2 days.. Di pa Man dudumi si Baby sa loob ng tiyan..
totoo po .. isa rin po sigurong dahilan kaya di makalabas si baby. kasi nasstress po kayo. paano nga naman lalabas si baby e pagod na po kayo di pa kayo nanganganak .. need nyo rin po ng lakas sa panganganak mommy. ako po d naman po tlaga ko ngtagtag ng gnyan nung manganganak nko. wala rin po akong kung ano anong gnawa at ininom para lumabas na c baby. kundi nglalakad lang ako ung lakad na di ako npapagod. mabagal at relax lang. normal na araw sakin ngluluto, naglilinis, knabukasn manganganak na pala ko kasi ung akala kong nauutot at nadudumi lng ako labor na pala un.
Magbasa paPareho tayo Mamsh, 40wks 1 day ako today kada lumalabas ako para maglakad-lakad nababati ng kapit bahay kaya siguro nagtatampo na Baby ko ayaw pa lumabas. Excited na din kami makita sya pero ayaw pa talaga nya lumabas eh. Yung iba naiintindihan naman kasi panganay daw kaya matagal talaga pag deliver pag 1st born. Sana makaraos na tayo ng normal and healthy and safe! God Bless! 🙏🏻😇🤗
Magbasa pasame po tau mommy dami na nagtatanong sakin kung nanganak na ko d ko na lang nirereply'an. pinagpapray ko na lang na sana makaraos na din kami ni baby🙏
wag ka pa stress mommy 😊... ganyan din ako noon ,inip na inip na lumabas siya kasi 2 weeks na akong 3cm noon without labor pains. Lakad, squat, primrose oil wala pa din..kaya kako lumabas na lang siya kung kailan siya ready... lumabas si baby 40weeks and 2 days 7.2lbs. okay naman si baby. kaya pray lang mommy magkikita din kayo at importante monitored kayo ng OB or Midwife
Magbasa pahaist sis gnyan din ako.. umabot pa ko ng 40 weeks..sbi ko gusto ko ng natural labor. hindi un iinduce ako..ayun kapipilit saken napasama pa un pagpapaanak ko.. nauwi pa ko sa cs at ang mahal ng bnayaran ko..basta every other day pacheckup ka.. hayaan mong lumabas si baby ng natural way. hanggang 42 weeks nman tyo pwede manganak..
Magbasa pawag na wag kang mag papastress mommy sa ibang tao. ako nga inabot na ng 40weeks mga kapitbahay ko sasabihin ay di pa lumalabas? di pa sumasakit? ganyan yung sa asawa ng pinsan ko eh, namatay yung baby... ay dedma.. lumabas naman ng okay si baby at 40 weeks
Same tau ate,. . 39 weeks and 6days n un baby ko s tummy. Parehas tau ng sitwasyon.. kastress Lang.. lahat naman n gngawa ntin. Cmpre gusto Natin pahinga,. Para s pag labas n baby may lakas tau.. hnd naman nila tau maintindihan.
Momsh, listen to your body, not to the other people around you. Baka mas ma-delay lang kapag nagpadala ka sa pressure. Try to relax, lalabas din yan si baby kapag bet nya na lumabas. 😉