Did you feel the same way?

May be I am just too sensitive right now, but ang dami ko nang naririnig na mga comments na kesyo baby boy daw ang nasa sasapunan ko kasi bumilog ang ilong, nag-iba ang mukha, nagka pimples, in short hindi blooming ang pagbubuntis ko. And when I had an ultrasound, my OB said na 70% girl daw. And even if sabihin ko sa mga tao na sabi ng OB 70% girl, they would still insist that it's a boy because of the changes in my face. Parang di na ako natutuwa, parang nakaka-offend na at nakakababa ng self-esteem. I can't help but to feel sad about it. Baka dala lang din ng pregnancy hormones.

100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mo na sila, hindi naman totoo 'yan. Ako nga lagi nilang iniinsist dati na girl kasi sobrang blooming ko daw, pero ang resulta baby boy pala siya. Nakadepende po yan sa pagbubuntis natin at hormones. So focus on yourself.

Girl puh yan , savi nila pag girl daw pumapangit ang mama, kasi naagaw daw po ng baby ang ganda ni mommy, (hndi kuh puh sinbi na pangit kau mamsh, ganda po kau) i mean may pagbabago po sa itsura, gawa po ng hormones din,

Hindi naman po nakabase sa itsura mo ng pagbubuntis ang gender ng baby. Meron din namang hindi bumilog o nagmamanas gaya ng sabi nila pero boy. Hayaan mo nalang sila. Wait lang nila na manganak ka at ng masupalpal sila.

Di naman totoo yun pag blooming ka girl ang baby.dont mind them.kahit ano pa maging ichura natin enjoyin nalang natin ang pregnancy para happy din si baby sa tummy πŸ₯° bawi pagkapanganak babalik naman sa dati 😘

Deadma nalang mamsh,, tapos tanungin mu kung sila ba gumanda ng mabuntis sila,, πŸ˜„ Normal naman po talaga mag iba itsura habang nagbubuntis,, focus ka nalang sa mga pag aasikaso ng gamit ni baby para iwas stress,,

6y ago

Pwede naman na po kahit paunti unti,, kung hindi pa po alam gender,, puro unisex lang po muna bilhin,, pero wag po damihan,, dahil mabilis lang po lumaki mga babies,,

Momshie ganyan din ako halos lahat ng sintomas ng sa lalaki e nangyayari sakin pero nung nagpaultrasound ako baby girl daw.. Hindi naman daw talaga totoo yung mga sabisabi kaya wag daw masyadong magpapaniwala

naku hayaan mo cla ,ako nga ngayon ang itim itim ng kili kili ko daig ko pa ng lagay ng kiwi πŸ˜‚ pati leeg ko umitim din pero kever ko sa mga taong ganyan as if nman mala artistahin din beauty nila πŸ˜‚.

Ako nga sis.. maraming nagsasabi girl ang baby ko kc blooming daw ako.. pero nag ultrasound ako 6 months tummy ko.. and its a boy.. depende talaga yan sa reaction ng katawan nati during. Pregnancy. πŸ˜„

VIP Member

Naku maraming ganyan sis, wag mo na lang pansinin. Iba iba naman ang pregnancy. Boy anak ko pero wala naman swelling na nangyayari. Ung hipag ko kakapanganak pa lang sa baby girl pero namaga ilong nya.

VIP Member

ako nga po pumapangit, bumibilog ang ilong pero baby girl nman .. Yung panganay ko, walng changes sa mukha ko pero boy sya.. wag nlang po natin pansinin mga sabisabi kasi nakaka stress dn πŸ˜