Did you feel the same way?

May be I am just too sensitive right now, but ang dami ko nang naririnig na mga comments na kesyo baby boy daw ang nasa sasapunan ko kasi bumilog ang ilong, nag-iba ang mukha, nagka pimples, in short hindi blooming ang pagbubuntis ko. And when I had an ultrasound, my OB said na 70% girl daw. And even if sabihin ko sa mga tao na sabi ng OB 70% girl, they would still insist that it's a boy because of the changes in my face. Parang di na ako natutuwa, parang nakaka-offend na at nakakababa ng self-esteem. I can't help but to feel sad about it. Baka dala lang din ng pregnancy hormones.

100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Choose to ignore kesa paapekto ka sa kanila. It wont do you and your baby any good. Sino ba sila? Hayaan mo sila sa mga sinasabi nila, di mo naman mapipigilan mga bunganga nila. What you can do is the art of dedma. And focus on the things that makes you happy. Bawal ang stress sa buntis.

Super Mum

Ganun po tlaga kahit ako baby girl lumaki dn ang ilong ko pero pag may nagssbi sakin hndi ako naooffend natatawa pa ako sinasabihan ko pa ng joke "oo nga eh kasing laki na ng kmatis hahaha" .. ewan ko lng momsh hndi ako sensitive dati pag may nagssbi sakin ng mga changes sa ktawan ko..

Oo ganyan din ako nun. Naiinis ako. Pero hinayaan ko na mas inisip ko baby kasi maiinis ka nararamdaman din yan ni baby. Isipin mo kahit pa babae o lalaki, pumanget ka man o hindi, ganun talaga iba iba ang pag bubuntis, ang mahalaga malusog si baby, walang sakit, walang abnormality

Hindi naman po totoo yung sinasabi ng ibang tao, depende po talaga yan sa pag babago at pag aalaga natin ng katawan naten mga momsh! Ako boy si baby, pero nung di pa ko paultrasound sabi nila girl daw kasi di nagbago itsura ko at di ako nangitim ! Mas pumuti pa ko at nag blooming!

Hahahaha mamsh thank you kasi pinost mo to on my behalf! Same same gurl. Lumaki daw ilong ko, maga daw muka ko, kesyo ganto kesyo ganyan so ako naman asa asa rin. Kakatapos lang mg ultrasound ko baby girl pala!! Hahaha pero super happy parin kasi normal naman sa buntis yun

VIP Member

Wala pong kinalaman ang pag babago ng mukha or hugis ng tyan sa gender ng baby. At kung ano man ang lumabas na result. Girl or boy man, mahalin ang bata ng higit sa sarili. Ps : may nabasa kasi ako dito na para nadaw silang namatayan kasi girl ang baby at hindi boy.

Ganyan din ako dati, pero saakin wala akong pakialam sa sasaBHihin nila. Hindi sila ang buntis kundi ako. Ang importanti healthy kami ni baby hindi deserve ng baby ko na maapektuhan sa stress na binibigay nila saakin. Kaya momshie. Hayaan mo sila at wag pansinen.

You will never be happy kng lage mong I isipin ang opinion ng ibang tao. Hayaan nyo na po cla. Dati nasasaktan din ako ksi kinokompara ako dun sa kasabayan kong buntis na sexy daw tapos ako lumubo. Ngayon d ko na pina pansin. Focus nlng ako sa baby ko.

dedmahin mo nlang sis pareho tayo ako nmn dami rn ngsabi nun na boy at pakiramdam ko boy kasi ang panget ko nangitim pako hahahas in ndi n nga ako tumitingin s salamin namn kasi napapangitan ako sa sarili ko. pero wala ako paki basta healthy kami n baby ok nako dun

6y ago

Same tayo nung buntis ako. Pero girl baby ko 😂 natahimik yung mga nagsasabing lalaki anak ko kasi ang laki ng pinangit ko hahahahaha

Same here mamsh, dame rin nagsasabi na boy ang pinagbubuntis ko kase pumanget daw talaga ako at umitim pero kanina lang nalaman ko na girl ang magiging baby ko hahahahaha. Kaya hindi ako naniniwala sa sabisabi na kapag pumanget daw e boy ang magiging baby.