12 Replies

Ung baby girl ko 18 months old kaya na nya sabihin ung eyes, ears, nose tongue habang tinuturo pa. Alam na din nya pag kakaiba ng tito, tita, lolo and lola. Then natatawag din nya yung cat, goat at dog. Very madaldal as in parang hindi toddler kausap mo. I agree sa advice nila mi more usap usap pa with toddler, pahabain nyo usapan nyo. Like, "wow may birds na lumilipad sa clouds, anong color ng birds, color brown. Baby pa ba ung bird, kaya maliit lang? Say babye to bird" parang ganyan mi. Hehe.

Ganyan din po si LO ko mi nakakacreate na siya ng buong sentence..Nakakapag Hi sa mga tao,pero minsan parang chinese talaga siya nagkukwento pero hindi maintindihan..Balak ko siya idaycare,makakahelp po kaya yun??

May iba't ibang klase ng speech delay mommy. Hindi lang po iyon basta hindi nagsasalita ang baby. Maaaring konting words lang nasasabi nya. Kausapin nyo po palagi na parang nakikipag kwentuhan kayo sa matanda at wag mag baby talk. Pwede ring nalilito si baby kasi English nyo sya kausapin tapos ang naririnig nya sa paligid nya Tagalog.

Ganun po kami english siya kausapin tapos tagalog kami mag usap ng mister ko..Kaya mas tinatry ko nalang siya kausapin ng tagalog..Di bale ng hindi englisero basta mag ok yung pakikipagcommunicate niya..

Try to ask developmental pedia. Ang pedia kasi ng baby ko advised na mas ok maging well communicative ang bata kaysa matuto ng alphabet at number since memorization lang daw po iyon. Mas maganda daw po mas nakikipag usap ang toddler. My baby is turning 2 pero magaling na sya makipag usap.

Opo mi..Wala kasi siyang makalaro ditong mga batang same age niya..Once or twice lang kami nakakalabas at nakakasalamuha ng ibang bata..

TapFluencer

Ganyan po yung pamangkin ko. magaling din sya sa mga cars and shapes, lahat ng naririnig nya ginagaya nya pero wala po syang focus pag tinatawag and maiksi attention span nya. make sure na lagi pong kauspin si baby kahit naka screen time siya better na may interaction sainyo.

ok naman po siya pag tinatawag name niya at pag bibigyan ko ng activity like mag color siya nakakatagal siya ng half hour na ginagawa po un..Yun lang talagang gusto ko siya makakwentuhan po.m

Mami look mo oh. Baka maka help sayo. Makipag kwentuhan ka lang lagi, dun natututo si baby. https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0NJUXDoczSVeGw5due6TVNAtJdJG9uk8DzaeiCTzGVi1bHQhQSvmewTNztbjC9GBvl&id=102692481117395&mibextid=Nif5oz

ganyan din Po anak ko,Hindi din Po sya conversant na Bata, matalino din kaya na nya magbasa Ng age of 3... nagcopy din sya Ng sinasabi ko., ihalubilo nyo po sa ibang kids, lagi nyo po kausapin, wag nyo po muna pagamitin Ng gadget...

pag speech delay kasi mommy , usually s agnyang age mama papa palang nasasambit nya . or bsta kukunti palang .. yung pagiging bulol naman is bsta inaayos mo ung sinsabi niya someday matututunan niya din niya

hnd po speech delay si baby matalino sya at his age kung speech delay sya any words di nya masabi try more on ihalubilob ninyo po sya sa other kids

Hi mommy, pwde po ipacheck and pa speech therapy po in a way ma improve yung way of speaking niya not because of delay but to help him improve lng po🥰

Balak ko po siya ienroll sa daycare..Will it help po kaya??

TapFluencer

a good baby actually matalino po baby mo as of his age.. basta turuan lang po siya ng mga tama at gabayan mhie

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles