Speech-delayed na ba toddler ko? Need ko na ba siya ipa-check sa pedia?

Can I still say na speech delay si toddler ko??He's turning 3 na at ang ginagawa niya ngayon ay ginagaya niya lahat ng sinasabi ko,kahit kapag galit ako gagayahin niya..Like don't do that daddy will get angry pero bulol pero medyo maiintindihan naman..Pag tinanong ko din siya ng What is your name at how old are you nasasagot naman niya..Pati yung what color is this??Where is your tounge..Nauutusan din siya kahit mahahabang sentence..Kapag may gusto siya puntahan sasabihn niya Let's go tapos tatawagin niya ako..Hindi lang siya yung magaling na magkwento,yung matatas magsalita..Alam niya din mga basics colors,numbers,alphabet..Need ko na kaya magpacheck sa pedia??Share nyo naman mga mi yung mga same experience sakin..Kung paano nyo mas lalo inencourage mga LO nyo magkipagkwentuhan..Ang haba ng sinasabi niya pero hindi pa maintindihan minsan..Ako lang kasi ang kadalasan niyang nakakausap,nandito lang kami lagi sa bahay,wala siyang makalarong mga bata..Nag uumpahan lang kasi kami kaya ako talagang dinadaldal ko siya..Marunong siya magbless,mag on and off ng light,magclose ng door..Un lang talaga gusto ko malaman gusto ko rin na matuto pa ako paano o ano gagawin ko para mas maging madaldal siya at makipaglwentuhan sakin..Thank you po sa sasagot..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung baby girl ko 18 months old kaya na nya sabihin ung eyes, ears, nose tongue habang tinuturo pa. Alam na din nya pag kakaiba ng tito, tita, lolo and lola. Then natatawag din nya yung cat, goat at dog. Very madaldal as in parang hindi toddler kausap mo. I agree sa advice nila mi more usap usap pa with toddler, pahabain nyo usapan nyo. Like, "wow may birds na lumilipad sa clouds, anong color ng birds, color brown. Baby pa ba ung bird, kaya maliit lang? Say babye to bird" parang ganyan mi. Hehe.

Magbasa pa
11mo ago

Ganyan din po si LO ko mi nakakacreate na siya ng buong sentence..Nakakapag Hi sa mga tao,pero minsan parang chinese talaga siya nagkukwento pero hindi maintindihan..Balak ko siya idaycare,makakahelp po kaya yun??

May iba't ibang klase ng speech delay mommy. Hindi lang po iyon basta hindi nagsasalita ang baby. Maaaring konting words lang nasasabi nya. Kausapin nyo po palagi na parang nakikipag kwentuhan kayo sa matanda at wag mag baby talk. Pwede ring nalilito si baby kasi English nyo sya kausapin tapos ang naririnig nya sa paligid nya Tagalog.

Magbasa pa
11mo ago

Ganun po kami english siya kausapin tapos tagalog kami mag usap ng mister ko..Kaya mas tinatry ko nalang siya kausapin ng tagalog..Di bale ng hindi englisero basta mag ok yung pakikipagcommunicate niya..

Try to ask developmental pedia. Ang pedia kasi ng baby ko advised na mas ok maging well communicative ang bata kaysa matuto ng alphabet at number since memorization lang daw po iyon. Mas maganda daw po mas nakikipag usap ang toddler. My baby is turning 2 pero magaling na sya makipag usap.

11mo ago

Opo mi..Wala kasi siyang makalaro ditong mga batang same age niya..Once or twice lang kami nakakalabas at nakakasalamuha ng ibang bata..

TapFluencer

Ganyan po yung pamangkin ko. magaling din sya sa mga cars and shapes, lahat ng naririnig nya ginagaya nya pero wala po syang focus pag tinatawag and maiksi attention span nya. make sure na lagi pong kauspin si baby kahit naka screen time siya better na may interaction sainyo.

11mo ago

ok naman po siya pag tinatawag name niya at pag bibigyan ko ng activity like mag color siya nakakatagal siya ng half hour na ginagawa po un..Yun lang talagang gusto ko siya makakwentuhan po.m

ganyan din Po anak ko,Hindi din Po sya conversant na Bata, matalino din kaya na nya magbasa Ng age of 3... nagcopy din sya Ng sinasabi ko., ihalubilo nyo po sa ibang kids, lagi nyo po kausapin, wag nyo po muna pagamitin Ng gadget...

pag speech delay kasi mommy , usually s agnyang age mama papa palang nasasambit nya . or bsta kukunti palang .. yung pagiging bulol naman is bsta inaayos mo ung sinsabi niya someday matututunan niya din niya

hnd po speech delay si baby matalino sya at his age kung speech delay sya any words di nya masabi try more on ihalubilob ninyo po sya sa other kids

TapFluencer

Hi mommy, pwde po ipacheck and pa speech therapy po in a way ma improve yung way of speaking niya not because of delay but to help him improve lng po🥰

11mo ago

Balak ko po siya ienroll sa daycare..Will it help po kaya??

TapFluencer

a good baby actually matalino po baby mo as of his age.. basta turuan lang po siya ng mga tama at gabayan mhie