73 Replies

Nung nanganak ako nung Dec. May kasabayan ako ka edad mo, nasa labor room lang kami bigla syang sumigaw napopoopoo daw sya tumakbo nurses sa kanya, pagcheck ng diaper nya crowning na agad, naamaze ako kasi nanganak na sya don nailabas agad nya 😱 walang kahirap hirap, kaya mo din yan. Ako nahirapan ako ilabas baby ko eh hirap ako umire pero kinaya ko naman. Pag nandon ka na di mo na maiisip sakit maiisip mo na lang kailangan na sya mailabas lalo na nung narinig ko "Naipit na ang ilong Mommy kayanin mo iire" 😅 kung gusto mo talaga makamura Public hosp. Lalo na kung first time mo hospital talaga recommended. Wala ko binayaran non philhealth lang, at di ka pipilitin i CS unless may problem, cord coil, ayaw bumaba ng centimeter mo, health issues. Ayaw ko kasi humingi ng tulong kahit kanino kahit sa parents ko kaya kahit walang ipon kinaya namin ng Asawa ko philhealth lang :) actually pwede pa gamitin philhealth ng Mama mo para sayo para mabawasan bayarin kahit na Private ka

Unang una bakit kc ang aga mo nagbuntis.. tama cla dpa dapat tlga nanganganak ung ganyang edad though, marami namang kaso na nanobormal nila lalo na sabi mo malakas loob mo..my isa kanang armas..tamang pag ire nalang at panalangin..2nd c ob mo nman din mag aadvice kung ako sa tingin nya tama for u..kung nakikita nyang kaya mo mag normal push.. 3rd bat ka nakikialam ng txt nila😁 so ayun nga pag kaya mo inormal go girl..lavarn! Pag nag contract sabayan mo ng todong ire!!gudluck..

Well kaya mo yan ako 17 dn ako nanganak lakad dun lakad dito.. Nag patagtag talaga ako nun.. Nung nanganak ako 8cm ako d na kinaya ng 10 cm pero still normal delivery 0adn ako salamat dahil may mga nurse na nag assist sakin nakuha sa tulak.. Muntik na dn ma CS pero sabi ko d kakayanin ko and luckily. Nakaya ko naman.. Den mag family palning ka dn para d ikaw mahirapan ako after 9 yrs ko nasundan ang baby ko luckily may boy at girl na ako

Sis ako 16 nanganak, since 35 weeks nag wwalking lang ako kahit 3k steps, tas 36 weeks akyat baba sa hagdanan tas walking then nakaka 150 squats ako. 38 weeks ako sakto nangnak. Hindi ako nahirapan hindi ko dn nafeel ung pain ng contraction, 8cm na ako nag lalakad lakad parin ako at tumatawa, malaki ulo ni baby ko kaya 4 na big pushes labas agad sya d naman ako nahirapan, squats kalang un secret ko. Kaya mo yan!

AKO NGA SIS, 14 YRS OLD UNA BABY KO PERO NAINORMAL KO, HINDI PO TOTOO YUN PORKET BATA EH CS? LALO NA AT MALAKAS LOOB MO, PERO BAKET BA SINUGGEST KA MA CS? SIGURO MAY SPECIFIC NA SAGOT FOR THAT, KASI HINDI SAPAT YUN DAHILAN NA BATA KA PA KAYA DAPAT CS? HMMM.. AS LONG AS WALA KAYO PROBLEM NG BABY MO OR ANY COMPLICATION, AT MALAKAS LOOB MO KAYA KAYA INORMAL SIS🙂

Hi sis kaya mo yan kung hindi ka maselan at wala kang problema sa pag buntis mo kaya mo mag normal by the way i was 15 years old nung nanganak ako sa panganay ko ..kinaya ko mag normal .at sa bahay lang ako nanganak dahil tinago ako ng magulang ko dahil victim ako ng rape ...22 year old na ako now at malaki na baby ko.

May mga ginawa po ba kayo kaya nanormal nyo?

Suggesting po. Do exercise, but consult your OB first and trainor for preggies. It will po sa panganganak ☺️ May nakasabay po ako sa hospital (noong nanganak ako with my first born) 14 years old lang. Masakit, mahirap pero kinaya n'ya po with the help of the midwifes and OB. Kaya mo din yan! Mahirap ma CS ☺️

Ginawa ko Lang sa panganay kong pagbubuntis is more on household chores. Kilos lng ng kilos hanggat kaya Ng katawan... Wala nga ako halos exercise pero sa mga gawaing bahay aktibo ako, nag-iigib pa nga ako ng tubig sa poso eh! Tag dadalawang timba na maliliit ang pasan ko... Pwde ka din mag squat.

pinsan ko 16 nung nanganak via normal delivery lying in clinic pa un and 1st baby nia. and tlagang magaling si dra. valdez kaya nung time ko naman kahit mraming nag ssabi skin n di ko kkayanin ang normal dahil hikain ako wag na ko mag take ng risk , kinaya ko din naman inormal lying in lang din .

Kaya mo yan sis! Pamangkin ko 14 years old nanganak sa unang nyang baby, nanormal naman nya. Take note , second baby nya 15 years old sya nanganak. Wag kana magtaka sa edad sis hahhha. Uso ata ngayon yung sobrang bata mabuntis. 🤦🏼‍♀️🤦🏼‍♀️🤦🏼‍♀️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles