NEED ADVICE

I really need someone to listen and help me understand.naguguluhan po ako.i am 7 months pregnant,nung unang buwan okay naman kame ng tatay ng baby ko..pero habang tumagal naging malabo hanggang sa naghiwalay kame dahil sabi nia nabigla lang sya sakin at mahal pa nia yung ex nia..lahat ng chances binigay ko na sakania kaso hindi talaga nia ako pinuntahan dito samen,sabi nia hindi na daw kame maaayos..pero may chance bang matatauhan pa sya?may chance pa bang mabuo ang pamilya namen or mas makakabuting mag move on na lang ako?please i really need some light on this.

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas tayo ng sitwasyon momshie. 8months ako biglang iniwan ako ng bf ko kasi di siya handa. Sobrang sakit. Mga pangarap future na binuo niyo para sa anak niyo nawala. Masaya at buong pamilya pinapangarap niyo nawala nalang bigla. Araw araw gabi gabi ako umiiyak nagmamakaawa pero ganun talaga. Pag di kana mahal, di kana mahal. Wala ka ng laban kundi pakawalan siya. Acceptance ang sagot sa lahat. Ngayong linggo lalabas na anak ko maraming pwedeng mangyari. Tatagan mo loob mo mommy pagtuunan mo ng pansin anak mo wag yung iresponsableng tatay. Im sure magiging masaya tayo pag nakita nanatin baby natin at yun na ang pagtutuunan natin ng pansin. Hayaan na natin ang mga walang kwentang tao kahit gaano mo pa kamahal yan. Hindi tayo ang nawalan, kundi sila. Wag natin ipakita na mahina tayo. Be strong mommy im sure sila din maghahabol. Smile kana mommy ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
7y ago

Be strong momsh ๐Ÿ™ kaya natin to. Totoo po pag di na mahal wala na talaga magagawa