NEED ADVICE
I really need someone to listen and help me understand.naguguluhan po ako.i am 7 months pregnant,nung unang buwan okay naman kame ng tatay ng baby ko..pero habang tumagal naging malabo hanggang sa naghiwalay kame dahil sabi nia nabigla lang sya sakin at mahal pa nia yung ex nia..lahat ng chances binigay ko na sakania kaso hindi talaga nia ako pinuntahan dito samen,sabi nia hindi na daw kame maaayos..pero may chance bang matatauhan pa sya?may chance pa bang mabuo ang pamilya namen or mas makakabuting mag move on na lang ako?please i really need some light on this.

Halos ganyan din ung pinagdaanan ko. Just a month ago. 6 months na ko ngayon. My boyfriend and I we're doing good. Then nalaman naming buntis ako, di nya daw aakuin ung bata. Sobrang sakit sis. Depressed na depressed ako. I told my family agad. Unang una ung parents ko. Kasi sila lang naman makakatulong sakin. Oo they feel bad. Pero sabi ng mama ko hayaan ko na sya kung ayaw nya. Kaya naming buhayin ung bata. Those critical days/weeks, sobrang down ako non. Everyday ko syang minumura, pinagsasalitaan ng masama! Sinusumpa ko sya! May mga araw na dumating na hindi na kami naguusap. Biglaan ung ganun, masakit kasi isang iglap lang un e. We used to talk to each other all the time. Then I realized hayaan ko na lang sya. Lalo na lalaki anak ko, parang ako na din mismo magsisilang sa true love ko. Nagpaka positive ako. Inisip ko kubg gano kagwapo sya paglabas. Paglaki nya magbbonding kami, popormahan ko sya. Papalakihin ko ng mabait at magalang at matalino, malambing. Kahit kaming dalawa lang sa mundo okay na. Nakasuporta din ung pamilya ko saken. Kapag sinusumpong ako nagsasabi ako sa kanila. Kinakausap ko sila. Although minsan hindi ka din talaga nila exactly maiintindihan. At makakarinig ka din talaga ng hindi maganda. Makakaramdam ka ng hindi magaganda lalo na down ka. What I did is just PRAY! It calms me. Aside from prayer nilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Iniyak ko when I can't take it anymore or I feel like crying. Hanggang sa napagod na lang din ako. May mga araw gabing di na ko umiiyak. Dumating din ako sa point na minsan napatawad ko sya sa katarantaduhan nya. Pero hindi ganun din kadali. Kasi babalik at babalik un. May times na mabait ako sakanya. May times na sobrang galit ako sakanya. Lahat ng bagay naiisip ko sinusumbat ko sakanya. Sinasabi ko. Di ako nakakatulog ng maayos. Panay lang iyak. All you need to do is just pray, feel everything, ilabas mo lahat. Sabihin mo lahat iiyak mo lahat. Magsorry ka sa baby mo dahil naiistress din sya. After that, mas mabilis kang makakamove on, mas mabilis mo matatanggap ung pangyayare at mas mabilis kang makakapagisip ng tama at positive. Wala ka namang ibang choice kundi kayanin yan e. Isipin mo sa una lang yan mahirap. But its worth it after you first meet your true love 💙 God bless mommy! 🙏
Magbasa pa
First time mom