Pa Advice
I need advice po lage nalang ako naiiyak tuwing na alala ko ang nabasa ko sa phone ng mistet ko pinag sasabi kasi niya sa gc nila yung ginagawa naming mag asawa, kisyo sinasabayan niya lang ako para d magalit, sinabihan ko siya sa nabasa ko ang sabi niya biruan lang yon, pero para sa akin hinde pinapahiya niya ako. Iniiyak ko nalang kasi wala ako masabihan sa nararamdaman ko naging insecure ako sa sarili ko. ???
Im sorry to say this,pero wala pong matinong lalaki na ikwekwento ang love making nyo sa kahit na kaninong tao bukod sanyo dlawa lang. Its a sign na wala syang respeto sayo. Lalong hindi gingawang joke po iyon.
Lack of respect na po. What happens between you and your husband must stay at home po. Kasi kung madaming makikialam, mas magiging komplikado po. You should open up sa asawa mo. Mahirap na lagi kang may iniisip.
Bastos Yung Asawa mo at wlang respeto sayo.. don't worry sis Hindi nmn ikaw Ang nagmumukhang masama pag may sinasabi siyang Hindi maganda tungkol sayo. Reflection Yun Kung anong klaseng Tao napangasawa mo. .
Balahura po partner mo mamsh sorna for the term pero bat kailangan nyang gawing pulutan ung private thing nyong dalawa mukang tanga tarap tampalin mga ganyang lalaki🤔🙄😤
Same feeling here po, ganyan din before si hubby ko Sis pero inopen ko sa kanya yung nararamdaman ko. Medyo okay naman na sya ngayon.
Ginagawa ka nyang kabastos bastos, kung mahal ka talaga ng asawa mo hindi nya yan sinasabi sa iba dahil private nyo na yun,
Tang*na (sorry sa mura). Sobrang bastos naman ng asawa mo, private matters iyan eh. Wala siyang respeto saiyo, momshie.
Siya dapat ang unang nagtataas ng tingin sayo ng ibang tao. Ituro mo yan sa kanya kasi mukhang bobo yang mister mo
unang una dapat hindi nya ginagawang biro kung ano man yung nangya2ri sa inyong dalawa,kausapin mo ng masinsinan
Momsh sorry sa term ha, pero ang baboy ng asawa mo. Walang modo, bastos, walang respeto sayo at sa relasyon nyo.