My Journey

I would just like to share what I am going through right now kasi medyo mabigat. Last 2020 I had miscarriage, 1st baby namen sana yon. Right after the first lockdown nakabuo kame ni hubby. 5 years married na kame nuon. But then may nakitang cyst sa right ovary ko na malaki na pala, so kailangan sya alisin. 4 mos akong preggy nung naoperahan ako but our baby did not suvive. After 2 years, ngyn meron na ulet kameng rainbow baby πŸ˜‡ 21 weeks today. Aware ako na may DERMOID CYST sa left ovary ko, and meron dn akong MYOMA. Tiwala naman ako sa OB kasi family OB sya and nag hahandle ng high risk pregnancies... Then nag spotting ako the other night. Actually d ko alam itsura ng spotting. Inisip ko baka dscharge lang. Early morning nag pnta agad kame kay OB. Sabe nya spotting nga daw so pna ultrasound nya ko after I.E. to measure the cervix daw. Sabe ng sonologist after ng ultrasound, "May nakita akong amniotic band. Si OB na mag explain sayo." So ako naman nag Google while waiting na na stress ako sa mga nakita ko sa Google. Amniotic band is like a string na pwedeng mag pulupot sa any part of the body ni baby, pwedeng madeform or worst case maputol. Anyway, base un kay Google. Next day ayun na nga inexplain ni OB in a lighter way na string nga sya and it's a rare case like 1/10000 babies and wow na floor select pa kame. Good thing, hndi sia nakapulupot and sana daw mapigtal nlng. Ung cervix ko naman ... naging short. Nag 2.6cm na medyo alert level na daw pag nag 2.5 below. So we have 4 things to worry about... The Dermoid, the Myoma, na both nagbbgay bigat sa uterus kaya daw baka kaya naddagdgan ang pull ni gravity... The short cervix which signals pre term labor πŸ₯Ί and the amniotic band. It was too much for me when I walked out of the clinic, madaling sabhn na kumalma or mag relax pero hndi ko napigilan maiyak nung gabe. Nahimasmasan naman na ko ngyn and I am just praying that we can make it through. I hope kayo ding mga mommies na may mga pinag dadaanan na complications I hope we can make it through this. Sama ko kyo sa prayers ko. πŸ™πŸ» Kung sa atin tlga, ibbigay to ni God. Let's trust the process. Thank you for taking time to read πŸ˜‡πŸ™πŸ»

My Journey
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kapit po mami! πŸ€— i suffered miscarriage too. as of now 4.5mos na si rainbow baby. bago ko din nailabas si baby ang dami din namin pinagdaanan. nandyan ung bedrests, pampakapit (because i have history of mc), vitamins and other meds pa. 1st tri ako, na covid kami (omicron era). sa CAS, nakita pa na dilated bladder nya and kidneys. on my 7th month, nag clear pero ang pumalit, maliit si baby kaya weekly monitoring. we also sometimes call our baby "6k per wk" kasi weekly kami nagpapa doppler velocimetry+uts. ang laking gastos at worry bago ko sya nailabas. na CS pako kasi di na sya nakakakuha ng nutrients sakin. pagbaak sakin, konti na pala tubig ko buti daw di napano si baby. ngayon na 4mos na sya, sobra ko nagpapasalamat kay God kasi tinupad nya prayers ko. OKAY NA OKAY si baby nung lumabas. ngayon ang taba na din wc is sbi sakin to expect na di tumaba since breastfed sya. basta pray lang mommy. ramdam ko ung mahirap maging ok pero promise pag nakalabas na si baby at nasurvive nyo, ang sarap sa pakiramdam πŸ₯°

Magbasa pa
2y ago

Sakin din mommy, pero closed cervix nakalagay pero nag spotting... Then inexplain lang na umikli ung cervix pero hndi pa ako bngyan ngn pampakapit. Praying for us mommy πŸ™πŸ»

hi, mommy. hugs to you. i also went through a tough time being pregnant, at 40. we had a miscarriage at 8 weeks last year, chromosomal abnormality kaya nawalan na lang ng heartbeat. then we got pregnant again early this year. found out may gdm ako nung 2nd trimester. then nag spotting na because of uti. pinagrest na ko sa bahay by the 7th month, pero nagkakaspotting pa rin. twice kami pumunta ng ER, and I had to be admitted for labor watch almost a week and baby was given steroids just in case she decides to arrive early. then a month after, my ob discovered may vasa previa ako, hindi pwede mag labor or contract kasi it could endanger me and the baby, a week later, had another bleeding and ayun nag leak na pala amniotic fluid. baby had to come out at 8 weeks. nasa nicu si baby for a month dahil mahina lungs niya. but she's okay now. kaya hang in there, mommy, God will give you a miracle baby. fighters ang babies natin. πŸ™

Magbasa pa
2y ago

Thank you mommy! I'm glad both of you are okay now πŸ€—

praying for you and your baby mommy. Just trust God process minsan may mga plans talaga sya na mahirap intindihin pero his plan is always better than ours. I also lost my son due to hydrops last year and now I'm 10 weeks pregnant may possibility na mag re occur ulit ung hydrops pero this time I will leave it to God kung ibibigay nya.. mahirap hindi mastress lalo na mommy tau pero tiwala lang . Will include you and your baby to my prayers. πŸ™β€οΈ

Magbasa pa
2y ago

Thank you mommy πŸ™πŸ»

Kapit tayo kay Lord, momsh! Sya lng ang higit na nkakaalam ng lahat. God allowed this n mangyari because naniniwala sya na malakas ang faith mo sa kanya. God give his hardest battles to his strongest soldiers. Just keep the faith momsh! U'll be in my prayers. God bless our pregnancy journey. πŸ™πŸ»β€οΈ

2y ago

Thank you mommy, I hope I can be strong enough! πŸ™πŸ»

praying for u mi!πŸ₯° ako din habang nagbubuntis ngayon dami ko pinagdaanan sa baby ko kase kambal silaπŸ₯Ί daming take ng gamot at anlaki ng gastos bawat ultrasound at laboratory pero worth it naman lahat dahil naka tungtong kame sa 37weeks and now waiting na lang ako lumabas sila.☺

2y ago

Twins! Double blessing mommy, praying for your safe delivery po πŸ™πŸ»

VIP Member

I suffer miscarriage too and nagka pcos din ako pero maliit palang yung no need na operahan daw ako. So nagpa alaga talaga ako ng OB doctor din. Ngayon meron na akong 1 yr. and 2 months old baby. Don't lose hope mommy. Pray kalang at kausapin mo si baby every day and night.

2y ago

Sana ako din po mommy! Lagi ko kakausapn c baby, thank you πŸ™πŸ»

hello mi. i always pray kay St. Jude kasi sabi ng Mom ko sya ang patron for hopeless cases. wala naman siguro mawawala if you try asking from him. i have answered prayers from this patron. share ko lang po baka makatulong

2y ago

Thank you mommy! Will pray πŸ™πŸ»

sinabi ni Hesus "wag NA kayong matakot, Ako ito si Hesus." ipagkatiwala nyo sa Kanya si baby and situations nyo, He knows your plight and He will make your peace abound. God bless you sis

2y ago

Thank you sis πŸ™πŸ»

Praying for you both mommy and baby πŸ™ 2019, 2020, 2021 nakunan ako 3 times sunod2 ang sakit pru nanalig po ako sa taas ngayon may 4th month old healthy rainbow baby na po kami πŸ₯°

2y ago

You are a strong mum! Will pray for you too!

praying for you and Baby mommy. tiwala lang kay Lord. i had my miscarriage last year too. pero ngayon biniyayaan nya kami ulit. 1 month na po ang rainbow baby namin.😊

Magbasa pa
2y ago

Praying for us and our rainbow babies! πŸ™πŸ»πŸŒˆ