Formula Milk and Frustrations
I know naman na breastmilk is the best for babies. And gustong gusto kong ibigay yun sa baby ko. But, ayun nauwi na naman kami sa formula milk. While I'm pregnant, nagbili na ako ng mga nipple correctors and nipple shield, breast pump, pampalakas ng gatas !! para sa paghahanda na sana maging success ako this time sa pagbreastfeed. Pero nung nanganak ako, pedia mismo nagsabi na mahihirapan maglatch si baby sa inverted and cracked nipples ko. ๐ Sobrang sakit sa feeling. Ipump ko na lang daw para hindi sumakit, and kahit pump hindi napalabas ang gatas ko ๐ Nauwi siya sa formula. Nafrustrate na naman ako. Buti na lang andyan si hubby na nagrremind sakin na, Ok lang yun. Binigay at binibigay pa din naman natin ang best for our baby. And that's still enough. there are moms outhere na laging nagssabi sakin na dapat gantu, ganyan ang ginawa mo, kala nila hindi ko ginawa lahat para lang mapabreastfeed ang baby ko. Naiingit ako pero tinutuon ko na lang kay baby at sa pagpapalaki sakanya ang attention ko, kesa mahantong pa sa PPD. Hoping sa ating mga mommies na iwasan na ang #momshaming. Napahaba po โบ๏ธ gusto ko lang ilabas itoo. Salamat
Same here. Kahit unli latch kami ni LO, hindi lumakas gatas ko. Yes, I also bought BF stuff kasi reading ready ako mag BF. Hospital grade pa yung pump ko kasi pangarap ko talaga magbuild ng stash. But yun nga, unfortunately, kahit ano motivation ko, nagtake ng malunggay capsule, kumain ng masabaw, kumain ng lactation cookies, uminom ng lactation milk, nag hand express, nagunli latch kay LO, nagtry mag pump kahit sobrang sakit na ng boobs ko.. still hindi dumami sa 10 oz ang napoprovide ko and by 2 months, naka mix na kami agad ni LO kasi iyak siya ng iyak kahit almost wala na tanggalan sa paglatch, longest latch namin is 1 hour ๐ญ nastress ako, lumala PPD ko to the point na iyak na ko ng iyak hindi lang dahil wala ko mabigay na sapat na gatas but also nababaliw na ko kasi wala na ko magawa. Kulong lang kami ni LO sa kwarto. Ni hindi ako makaihi, makakain dahil iniisip ko lag tinanggal ko si LO sa pagdede sakin, iiyak siya. Ganito ang scenario namin for almost 4 months. Sabi nila pinoproduce daw natin milk na kelangan ni LO but in my case, it didn't happen. At 4 months, dried up na ko. As in kahit magpump ako every 2 hours, wala na lumalabas. I ask my OB and base sa observation niya sakin, nagkaroon ako ng problem sa hormones ko. Nagsubside na yung PP hormones ko and bumalik na ko sa pre-pregnancy state ko. This happens naman daw talaga although sa mga patients niya, 2 palang kami na nagkaganito. She tried to coach me sa pagrelactate pero sabi ng husband ko, wag na if it will just make things harder for us 3. Mahihirapan din si baby. Syempre lahat tayo we want the best for our babies pero di maiiwasan na talagang mauuwi tayo sa ganitong situation. I'm blessed kasi napaka understanding ng husband ko. I actually apologized sa kanya kasi syempre FM is expensive tapos bibili pa ng distilled water, sterilizers etc. pero he said okay lang yun if our baby is healthy naman kahit FM ang pinapadede namin. Awang awa din kasi siya sakin na halos di na ko tumatayo kasi lagi naka latch si LO, wala ko tulog kakapadede kay LO. Di niya ko matulungan sa feeding peeo nung nagFM kami, nagkaroon ako ng chance na mas kataulog ng kahaba kasi he can feed our baby na. Not BFing doesnt make us less of a mother. Nakakainggit lang yung marami BM pero walang point para mainggit. My baby is healthy kahit FM na siya, matalino naman at close samin ng daddy niya kahit hindi BF baby. We just do other things to bond.
Magbasa pasame po tayo mamsh. ngayon halos yung nipple cream, pump and storage bottles ko di naman nagamit. nakatabi lang sa drawer, ayaw ko na din tignan or ayusin. super frustrating lang sa pakiramdam kasi halos mga nakasabay ko nagkababy, nag ooversupply pa sila sa milk. yun yata yung greatest sana all ko. hehe pero I realized din naman na marami pang pwedeng paraan para mapanatiling healthy si baby and yun naman yung importante hehe cheer up sating mga kumapit sa milk formula hehe! magastos man at least nakikita mong healthy si baby and hindi naman nagkakasakit โค never mind nalang yung mga nag-ma-mom shaming. we all want the best for our babies and all we need to hear is yung encouragement and support sa iba nating kaparehas na mommies. isang mahigpit na yakap for you mamsh. God bless sa atin โค
Magbasa paokay lang yan, normal lang nararamdaman mo...maski rin ako sobrang frustrate at depress ako nung wala pa akong gatas tipong umi iyak n ako s stress n feeling di ina s anak nya na nahangtong pa sa PPD nasasaktan ko nrin sarili ko dahil sa samut saring problema bukod sa wala or ayaw dumede. tiyaga lang talaga. naghot compress ako, tabo express(ilalagay mo isang boobs s ma init or katamtaman tpos imamassage mo dun),massage from shoulder to boobs, nagtry din ako s syringe ipupull.. msakit lahat pero ewan ko inverted parin nmn..pero nagtry prin ako ipa suck nipples ko.. lying bed position tyka ung nka tayo syang position. and eventually khit d n ako maggnun.. naging okay naman na ung nipples ko. keya ngaun ndede na sya sken.. KEYA MO YAN!
Magbasa paActually hindi uso ang BF nung panahon ko, Formula was prioritized over BF back then so I was purely fed by Formula. I was born a premature baby but wasnt able to experienced BF at all, not even once. So I dont really understand all the fuss about feeding formula, I dont know why it has become an issue nowadays. There's really nothing to be ashamed or sad about it. Nakakalungkot lang if you dont have BM and cannot even afford formula to feed your baby at all. So to each it's own, no mom shaming, but let's stop making this an issue as well. There's nothing to be ashamed, frustrate, defensive, sad or be jealous about it. So long as you can feed your baby well then it's fine.
Magbasa pai have inverted at cracked nipple back then..kaso lang dahil mahirap kami we could not afford formula milk..wala nga kami feeding bottle eh..so i was forced to breastfeed my baby kahit iyak sya ng iyak..nagka sugat sugat nipple ko..masakit..nagka clogged duct pa ako..nilagnat ng ilang araw..but all those pains were worth it.. flat chested din ako..i didnt mind all the side comments na wala daw ako gatas kasi flat susu ko..and now, after breast feeding 2 kids and 1 set of twins, di na cracked at inverted nipple ko..you can try naman mommy to bf..pero if not, as long as your baby is fed and wala kayong ginugulong tao (asking pambili ng milk) you are doing great..
Magbasa pamomsh, its ok. be positive. ako po hindi inverted ang nipple but unfortunately, formula fed na rin po si baby since 4months, mag 6months na po sya sa feb6. kahit po anong gawin ko, unli latch, mag pump, mapurga kakasabaw, nag natalac at milo pa ako, nag lacta flow din ako, pero 1 beses lang ako nakapag 4oz... laging 2oz lang nalalabas ko. and si baby that time parang walang lakas. ni hindi nya mabuhat ulo nya. pero nung nag formula sya, bigla syang nagkalaman, naging energetic. so sinabi ko na lang sa sarili ko na ok lang na hindi ko na sya mapabf l, kasi naging mas ok sya nung nagformula, kesa nga po mauwi sa ppd... basta happy at walang sakit si baby kahit masakit sakin, ok na din ako
Magbasa paFTM.. sobrang stressed and frustrated dn ako mkapagbreastfeed , blessed ako sa gatas.. mdami milk ang problema nman nipples ko ๐คฆโโ flat at ndi mkadede si baby so imbes mgutom sya at kabagin kakaiyak dhil di sya mkalatch skn pump nalang, hanggang sa mging mixfeed na ng formula. gustong gusto ko sya ipalatch pra sna mgtuloy ung production ng milk kasi un ang advise ng pedia kaso anu mgagawa ko d nia talaga mdede at hanggang pump nalang kmi. hays iba iba talaga ang struggle ng bawat mommy, pero ndi porket ndi mo sya mpabreastfeed e ngkukulang kna bilang isang ina. Respect and understand nalang each others situation.. lahat tayo e mahal ang mga babies nten ๐๐
Magbasa paSame tayo mamsh. I have inverted and cracked nipples po and nagka-nipple confusion ang lo ko kasi pinaghiwalay kami sa hospital plng so mas gusto nya bottle fed pero sobrang dedicated ako na magpabreastfed. I bought e-breastpump and joined pumping moms group to ask some help. Nung una, 1oz lng nkukuha ko kada pump. Nagset ako ng pumping sched and tinyaga kong ipalatch si baby sakin kahit nhihirapan syang isubo ang dede ko. Ngayon, 2-3 oz na naiipon ko. From formula fed naging mixed feeding na kami. I just want to inspire lng po and wag mawalan ng pag-asa. Pero if u're decided na formula na talaga si baby, its okay mommy as long as malusog si baby.
Magbasa paSame here. My LO laking FM. I've been trying to give him a BF but it doesn't work. Not blessed to have that. Hindi ko na rin pinilit mauubos oras ko mag isip paano magkaroon ng maraming BF haha. But then very healthy namn si baby. Same lng nmn ang growth ng naka BF vs FM i think wala naman pinagkaiba.. I've been there also na nakakainggit yung BF pero wala na din magagawa there's some mother na hindi tlaga blessed at hindi yung maintindihan ng iba kasi sasabihin nag struggle din sila, try harder, try this kumain ng ganito ganyan. Hahaha ginawa ko na lahat swerti lng talaga sila sa BF. But I don't care as long as my baby healthy
Magbasa paHave you tried consulting a lactation specialist? I just had my session days ago. Maybe they can help you po. Nakakafrustrate po talaga. There are times din sakin na susuko na ako talaga. Sore nipples, bleb, no sleep, low supply at madami pa. She massaged my boobs and surprisingly sobrang daming milk. Madamin din syang tinuro. Nagkaron ako ng pag asa at lumaban pa. Maybe you can try pa, pero okay lang yan mamsh. Eldest ko laking formula pero sheโs smart and healthy bihira din magkasakit. Regardless kung paanong way natin sila ifeed, the love we have for them is still the same. Godbless po mamsh.
Magbasa pa
gabrielle calvin