Formula Milk and Frustrations

I know naman na breastmilk is the best for babies. And gustong gusto kong ibigay yun sa baby ko. But, ayun nauwi na naman kami sa formula milk. While I'm pregnant, nagbili na ako ng mga nipple correctors and nipple shield, breast pump, pampalakas ng gatas !! para sa paghahanda na sana maging success ako this time sa pagbreastfeed. Pero nung nanganak ako, pedia mismo nagsabi na mahihirapan maglatch si baby sa inverted and cracked nipples ko. 😔 Sobrang sakit sa feeling. Ipump ko na lang daw para hindi sumakit, and kahit pump hindi napalabas ang gatas ko 😔 Nauwi siya sa formula. Nafrustrate na naman ako. Buti na lang andyan si hubby na nagrremind sakin na, Ok lang yun. Binigay at binibigay pa din naman natin ang best for our baby. And that's still enough. there are moms outhere na laging nagssabi sakin na dapat gantu, ganyan ang ginawa mo, kala nila hindi ko ginawa lahat para lang mapabreastfeed ang baby ko. Naiingit ako pero tinutuon ko na lang kay baby at sa pagpapalaki sakanya ang attention ko, kesa mahantong pa sa PPD. Hoping sa ating mga mommies na iwasan na ang #momshaming. Napahaba po ☺️ gusto ko lang ilabas itoo. Salamat

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung gusto mo talaga mag bf, u can. Tyaga lang talaga. Pinupush kasi ang pag bf lalo na sa panahon ngayon. May covid tsaka para na din maka tipid kasi alam na man natin mahal ang FM. May iba kasing nanay talaga na kahit maraming gatas, gusto pa rin mag formula for personal reasons only like d niya gusto lumaylay ang boobs niya or d niya gusto tumaba kasi di ba pag bf ka gusto mo talaga kumain ng kumain kasi nkakagutom nman talaga pag may dumedede sayo. Pero at the end of the day, desisyon mo pa rin ang masusunod kasi katawan mo naman yan.

Magbasa pa

mommy believe me tyaga lang. inverted din nipple ko. muntik na nga akong mag give up dati eh at na try ko ng e mix si baby sa formula mga 3days pero sabi ko gusto ko talagang mag bigay ng BF kay baby. kaya palagi kong pinipilit na ipa latch sa kanya kahit sobrang hirap kasi inverted palagi syang umiiyak. At ngayon here we are lumalabas na yung nipple ko. 1 month pa lang si baby. kaya di ako naniwala na hindi mo kaya. kaya mo yan! ako nga nilalagnat na dahil nasugatan ako sa nipple dahil pilit ko talagang palabasin. mommy tiis at tyaga lang.

Magbasa pa

okay lng po yan monshie... struggle din ako.. 3rd day pa may lumabas sa breast ko, less than 1 oz pa... tpos yung sa kabilang breast ko(inverted and cracked nipple), may dugo yung lumabas... akala ko hindi na ako maka.breastfeed.. pero nagtyaga ako mgpump dahil naiwan sa hospital c baby, baka masanay sa formula.. after almost 2 hrs of manual pumping , kahit papano may lumabas din.❤ P.S lumaklak din ako ng malunggay capsule from 3x a day to twice a day pero 2 capsules each..

Magbasa pa

i feel u mommy. ganyab din ako. so frustrated nung una kasi hindi ako makapagpadede mismo sakin si lo. parehas kaming umiiyak. iiyak sinlo kasi hindi makasuso dahil walang kakapitan or malatch. ako naman iiyak kasi naaawa ako kay lo dahil iyak ng iyak. ending mixed feeding ako. basta as long as mas madaming breastmilk na mapainom si lo ok for me. kaya lahat ng pwedeng pampaboost ng milk ginawa at tinake ko. wag magpakastress kasi isa din un sa nakaka less ng milk supply

Magbasa pa

Same situation sa panganay ko mamsh. Halos umiiyak ako kasi labag sa loob ko iformula si baby gusto ko man magpabreasf feed kaso wala talaga. Nagmamalunggay capsule pako. Inverted din nipple ko kaya hirap makadede si baby. Pinush ko magpadede ending ako naman nagkasakit kasi di makalabas ng maayos at nag gamot ako payo ng doktor wag nako mag padede. Sobrang nakakalungkot. Halos 3 months ako umiiyak pero natanggap ko din. Cheer up mommy

Magbasa pa

ewan ko ba, i've been on your shoes na rin, tapos sa ibang groups na nasalihan ko konti na lang isumpa nila ako kasi hindi ako breastfeeding mama, like i know naman bm is best for our babies, but that does make me less of a mom kung formula fed sya? nabawasan na ba pagmamahal ko sa kanya kasi hindi gatas ko ang nabibigay ko sa kanya? imbes na empowerment ang ibigay puro judgement ang natanggap ko 🤷‍♀️

Magbasa pa
VIP Member

In case you haven't tried, pwede rin mag try ng lactation consultant to help you. Pero no pressure mommy, whether formula or breastfeed, FED is best. Ginawa ko rin lahat para mag EBF pero nauwi sa formula. Healthy naman si baby. I have a friend na EBF pero sakit in ang baby. So depende talaga. Pero at the end of the day, do what you think is best for you and your baby. And no to #momshaming. 🤗

Magbasa pa
4y ago

Me too. Kahit yung kapitbahay namin na halos walang kain ang ina pero nagpa breastfeed pa rin, hindi sakitin ang baby niya.

VIP Member

you are still blessed momi,ako nagtry many times na padedehin baby ko pero ayaw nhirapan ciang maglatch,nagpump ako still gnyan lng lumalabas...hehehe gapatak lng...hehehe every patak counts pg pinadede ko na sa knya.Yan formula milk cia.,ginastusan nlng nmin sa milk khit paano maibigay ko ung feed na dpat bf cia..since mlapit naku bumalik Ng work tinangap ko na. Godbless momi!!!cheer up lng

Magbasa pa
Post reply image

ok lng Yan momshie,hnd nmn tlaga lhat gifted s pgkakaroon Ng breast milk..as long as nabibigay muh nmn Ang needs ni baby at hnd muh xa npapabayaan,mlaking proof n un Kung gano mo xa kamahal,ung ibang ng-se-shame sau, don't mind them hnd ka s knila nahingi Ng pnggatas ni baby Kaya wag muh istress Ang sarili muh s knila..be happy with your family..😊

Magbasa pa
VIP Member

Been on your shoes mommy. Kakastress sobra kase kahit pump walang magawa. Thankful din ako kay hubby kase sya nagsabe saken na alagaan ko na lang si baby kesa ubusin ko oras ko kakapump. Thankful din ako na kahit di breastfeed baby si baby lumaki naman syang healthy. Totoong breastmilk is the best for babies, pero our sanity is also important.

Magbasa pa