CHANGE MILK - 1year and 3months old from NAN OPTIPRO to LACTUM 1-3
I know matamis po yung Lactum since si bb ko nagstart sya Similac then NAN HW then NAN Optipro which is hindi masyado matamis unlike Lactum. Nong pinachange po namin sya sa NAN Optipro nagdiarrhea for 2weeks I guess, buti di sya nadehydrated. His pedia told us to continue giving it to him kasi masasanay din sya, nagaadjust lang tiyan niya. It is only been 5months now, talaga di kaya ng budget ipapachange namin into medyo cheaper which is Lactum napili ko kaso yun nga matamis, medyo tumigas poop, medyo lang. At first ayaw inumim ni baby since di talaga sya mahilig sa sweets, kahit chocolate pa yan or wafer chocolate flavor or biscuits na may palaman na sweets ayaw niya kainin kaya siguro nanibago sa lactum kasi matamis masyado. Ang instruction sa box is 4 Heaping Spoon (kasi wala palang scoop) per 220 ml of water. Ang ginawa ko since 7oz palang naiinom ni baby every feeding nya which is mga 200 ml pa, instead of 4 Spoon ginawa ko 2 and half spoon lang para di masyado matamis. Ang question ko is, okay lang po ba yun binawasan ko number of scoop? And yung lactum po, yung tamis nya ano magiging effects sa baby po (good and bad)? Pleade po.#pleasehelp #advicepls #1stimemom #firstbaby #formulamilk #lactum