Precious Gift - Long Post

I know it's so late. But still wanted to share with you our precious gift because this community helped me a lot during my pregnancy. ADAIAH NATHALIA EDD: January 11, 2020 DOB: December 25, 2019 3:52PM 6lbs via SCS 38thweeks frankbreech singlecordcoil Naka schedule na ako for CS ng December 28, 2019 dahil sa suhi si baby. Pero nung December 25, 2019 after kong maligo, nakaramdam ako ng kaunting cramps at pangangalay ng balakang. Pero no pain. Kaya before lunch niyaya ko si hubby na pumunta ng hospital for check up at nag message din ako kay OB. Nagulat pa si OB kasi alam nyang may schedule na kami. Pagdating ko sa hospital, interview tapos NST. Later may nagtanong na kung may name na ako para kay baby at kung anong last kung kinain tapos pinaghubad na ako. Sinuotan ng cover. Ang bilis ng mga pangyayari. Pati si hubby pinagsusulat na at pinapakuha na ng room. Wala kaming dalang gamit. Yung hospital bag namin ni baby na ilang beses kong inayos nasa bahay dahil plan ko lang magpa check up. Hahaha... Sa sobrang bilis nagtanong ako kung that day na ba ako icCs. Sabi ng nakausap ko, yes maam at 2:30pm po as advise ng OB nyo. Nagulat ako, tinanong ko ulit, pwedeng malaman kung bakit. Sinabi sa akin na si OB na lang ang tanungin ko. That time sobrang taas ng bp ko. 170/90 pero wala akong nararamdamang kahit ano. Marami pang eksena, but to make it short. Tulog ako during the surgery. Last kong narinig, andyan na si dra. Nazareno. At first kong narinig ay iyak ng baby, palakpakan at congratulations. Naisip ko that time. Buti pa yung baby umiiyak. Sana yung baby ko din. At narealize ko nung medyo okay na ako, na ako lang sa DR at iyak ng baby ko yung narinig ko. Nung nilalapag si baby sa akin pilit akong dumidilat para makita sya. Pero hindi ko talaga kaya. Kaya si hubby ang unang nakakita kay baby. Nung makita ko na si baby sa room namin, wala akong naisip na salita. As in speechless talaga ako. Pero teary eyed. ? During the delivery, sobrang nahirapan ang OB ko na ilabas si baby kasi nagco contract na ako. Kaya hindi sinasadyang mabanat ang right arm ni baby. Kaya hindi nya nagagalaw yung right arm nya nung pagkakita ko. Pero thank God kasi as of today, naiinat na ni baby ang right arm nya. May lakas na din ang grip nya. Tapos may gasgas sa leeg at dibdib si baby nun kasi na cord coil sya. Wala yun sa lahat ng ultrasound ko. Tapos nasu suffocate na si baby kaya kinailangan pang dagdagan ang hiwa sa akin. Nasa pinaka sulok ng right side ko si baby. Siksik na siksik talaga. Habang sinasabi sa akin ni OB yun. Ramdam ko din yung guilt nya dahil sa nangyari sa right arm ni baby. At first time yun sa buong panahon na naging doktor sya. Pero positive ako that time. Inangkin ko na walang problem. Kaya thank God talaga. Sobrang happy ng OB ko nung makita nya ang improvement ni baby. Need lang namin syang patuloy na paarawan kasi medyo severe ang jaundice nya. Kaya yung puti nya sa pic, waley na. Hahaha... Sorry sa mahabang post. Thank you sa app, sa community, sa kapwa ko mommy kasi marami akong natutunan. ???

27 Replies

Congrats mommy beautiful baby 😍 pareho tayo yung mga first photos ni lo ang puti puti niya ngayon waley na kakapaaraw 😂

Okay lang yan mommy. Babalik pa rin naman ang kulay nila. Hahaha...

Congrats po,parang knabhan ako kase 2ng baby boy q nakasiksik lng sa kanan q parang hnd lumilipat ng pwsto.

Think positive lang po mommy. Kasi okay naman po si lo. 🤗🤗🤗

VIP Member

sino OB mo momsh? same tayong sa madocs. 🤗

Kay Dra. Osilla.😊

Same tayo ng OB Mommy, Si Dr. Nazareno 😊

CS po ako mommy. May healthcard kasi ako kahit paano kaya covered tapos philhealth pa. Bale kasama kay baby nasa 40k cash out namin. Medyo napamahal kami kay baby eh. Kasi kailangan pacsywng i x-ray. Pero yung bill ko mga 80k yata. Plus kay baby na almost 20k.

Congratulations Mommy! 😍😍😍

VIP Member

Parehas tayo cs, hello baby

Congrats mommy :-)

Congrats sis 😍

Congrats po❤️

VIP Member

Congratulations!

Trending na Tanong