PCOS thing.
I have a pcos po. Sino po dito na may pcos tapos na preggy? π₯Ί ANY TIPS PO? #pleasehelp #advicepls
me mamsh..2015 ako nadiagnosed na may PCOS..uminom ng madaming gamot..pero tinigil ko kasi parang walang nangyayari..c hubby din nagpatingin at low sperm naman daw kaya di talaga kami makabuo..OFW pa kami parehas dati..tapos last 2018 parehas kami umuwi para nga mag plan na mag baby na..tapos 2019 my friend ako na pina join ako sa isang group sa fb about sa mga nag Lolow carb diet..nung una sabi ko baka di ko kaya..pero nag try pa din ako..june ako nasimula 2mos lang from 89kl to 65kl..tapos ung mens ko nagregular na din..aug di naman ako dinatnan napaisip ako na bala bumalik c pcos pero may nagsabi sakin magPT..at ayun na nga mamsh sept2019 preggy na nga ako sa panganay ko.. β€β€β€ lahat nag paghihintay, pagtitiis..worth it lahat..pero syempre wag kakalimot kay GOD..lagi ko din pinagdadasal noon na mabiyayaan na kami.. πππ kaya mo yan mamsh..wag susuko β€
Magbasa paMeeee. 7 years kami ni hubby di ako nabubuntis kasi fave naman matulog at mag foodtrip hahaha. Until sabi ni ob "gusto mo mabuntis talaga? Try mo mag diet at exercise". Pinag pills nya muna ko for 3 months then sinabayan ko light workout, calorie deficit. At prayers syempre. Pag stop ko mag pills nabuntis ako. Kaso nakunan ako. After ko makunan nag pills muna ko 6months. Then dahil di pa din ako ready nag withdrawal muna kami ni hubby ng 6 months. Then may one time lang di kami nag control, ayun nakabuo unexpectedly. I know sasabihin lagi nalang ganon sinasabi, workout diet pero di madali. Di talaga sis. Pero walang mawawala kung susubukan.
Magbasa paMe! πββοΈ10yrs na po ang PCOS ko both ovaries. Hirap ako magconceive po. Last year nagbleeding ako for almost one month. Lalakas hihina sya tapos nagpatransV ako kse yun sabi ng OB. It turned out na meron nko endometrial hyperplasia (makapal na lining ng matres). Hindi na kinaya ng gamot kaya niraspa ako last december. January delayed na naman ako, nung February nagkaroon nko and nag pills ako for 3mos. Ayun, last june delayed na ako. I'm 9 weeks pregnant na. Tiwala at dasal ang kelangan. Saka paalaga ka sa OB. π Kala ko wLa nko pagasa eh. Meron pa pala. π
Magbasa paCongraaats poπ₯Ίπ₯°
Ako sis may pcos. Pinag pills ako ni ob althea pero 5months lang ako nakainom, tinigil ko na. Sept 2019 to Feb 2020 lang ako nakainom, then 2021 ng dec nabuntis ako. Ang mapapayo ko lang sayo base sa exp ko. E mag exercise ka din kht paminsan mnsan. Ako kse hirap din mag exercise pag nka 1week tnatamad na ko. Tas nagpahilot din ako nun sa tngin ko nakatulong yun. At importante sa lahat dpat preho kayong may pahinga ni hubby. Si hubby kse sakto nun tigil sya sa work kya hnd sya lagi pagod kaya sguro nkabuo kami. At lagi mo lang kulitin si lord na bgyan ka ng baby hehe
Magbasa paI'm doing exercises now Sis huhu and I always prayed na sana soon magka baby din kahit isa lang :( Thank you sisπ₯Ίβ€οΈ
ako po since birth may hormonal imbalance na ako na naglelead sa pcos...almost 8 years din kami nag antay and finally binigay na ni God ang aming panalangin...31 weeks preggy...nagpaconsult po ako last year taz tinuloy tuloy ko lng po gamutan taz nung dec na sana babalik ako for check up ko ndi ako nakabalik gang january dis year at dko inaasahan na last week of january buntis na pala ako...prayer and trust the process lang po
Magbasa pame po 2021 i was diagnosed with PCOS kinasal ako nung december tapos 21 weeks pregnant na ngayon nung nag pa ultrasound ako malinis naman daw ung ovaries ko both kasi meron mga bukol noon. sinabi ko sa sonographer na may PCOS ako paano nawala un? sabi nia ung pag bubuntis itself ang nakakawala ng PCOS.
Magbasa papcos both ovaries. waited 2yrs and 15weeks pregnant ngayon. start ng wfh setup ko both of us bi hubby consulted fertility OB, i only took supplements like myo inositol and lowcarb/less sugar diet and yoga from time to time. mdami po types ang pcos kaya iba2 symptoms and results for almost everyone.
Healthy diet is the key βΊοΈ Try niyo po mag Low Carbs diet. Ako kasi almost 3 years na kami TTC ni partner hindi kami makabuo. Pero last march I decided na mag Low Carbs para pumayat. After 3 months nabawasan ako ng almost 10kls at ayun, Preggy na. 10 weeks na ko bukas β€οΈ
Congrats pooooπ₯Ί Ilang kls po kayo nun bago nabuntis?
Ako Po 16 each ovaries ang PCOS. di ko alam ano iaadvise ko Kasi di Ako aware sis na may PCOS Ako not until sa ultrasound na Nung Preggy Ako nakitang Meron akong PCOS. pero to make you worry less, nagiging Preggy padin even if you have pcos, based on my experience sis.
Thankyou sisπ€ Sana baby dust din sakin soon
ako po. we found out na kaya pala di ako nabubuntis kahit after kasal kasi nay PCOS ako. nagpaalaga ako sa OB. may pinainom na vitamins sa kin and progesterone yata nun un. nalimutan ko na. after 2 months of taking those nabuntis na ako.