Mga mamsh. OFW kasi ako dito sa kuwait.Please help🙏🏻😭

I have an history of PCOS. Both of my ovaries had a polycystic po. Last july tinigil ko mag inum ng diane35 pills. July11 nag do kmi ni jowa. Pero nag PT ako july 29, negative naman yung PT ko. July 31 nag mens na ako til Aug. 2. Sa first day ng mens ko nag inum ako ulit ng diane35 pills. Aug. 13 nag spotting ako, 2days 13 & 14. 15 medyo malakas na sya like regla talaga. May nararamdaman akong mild na sakit sa puson minsan sakit sa ulo tsaka sa balakang ko. Aug. 15,16,17 medyo malakas sya nakakapuno ng napkin. Pero aug.18 til now pa konti2. Nag PT ako kahapon negative naman kasi akala ko baka ectopic pregnancy sya. Pero wala naman akong brown na dugo na discharge at nega sa PT. Ayoko dn kasi magpacheck up dito kasi kapag involved sa mga pills or nalaman na may jowa ka dito na di kayo kasal makukulong ka 🥺 Please help me mga mamsh. Possible kaya na sa pagtigil ko to ng pills last month at uminom ako ulit kaya ganun? pang 8days ko na tong may regla pero mahina na sya. Sumasakit parin yung puson ko pero keri lang sya kaso sumasakit ulo ko, minsan parang nahihilo. minsan lang naman. pero mawala man sya. Huhu 😭 Di kasi ako pde magpacheck dito baka ma deport ako. Baka mag maka advice saken jan. possible ba sa hormonal pills ko to?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i agree na magpa online consultation ka kaso kasi dapat nauultrasound ka din ng ob mismo lalo na kung gusto mo mabuntis ichecheck kasi pcos mo kung may pinagbago at kung anong ovary ka nagrerelease ng mature na egg cell. if may chance na makauwi ka sa pinas magpaface to face consultation ka pwede ka magpaalaga lalo na kung plan mo na magbuntis may supplements na ibibigay at aakma sa condition mo. ako kasi nagpaalaga sa ob-rei at fertility doctor may pcos ako pero mild lang sa left ovary, nakamonitor yung release ng egg cell ko para matimingan kung kailan bubuo. nakaprogesterone, antioxidant, myoinositol ako madaming nireseta sakin. tyaka pala, alam mo na ba cause ng pcos mo? if hindi, aalamin kung may lahi kayong diabetic, kung may thyroid problems etc. magbibigay ng lab request sa tests. kung magbubuntis din pinapatigil po ang pills at may ipinapalit na supplement para mangitlog. tinanong kasi ako ng ob ko kung magbubuntis na ba ako kaya di ako pinagpills. kung overweight din po pinagddiet po.

Magbasa pa