HELP
Hello. I have a 9 month old baby and I dunno if I am preggy again or not. Nagkaroon ako nung 3 months palang si baby and before ako magkaroon nag do kami ng husband ko. Akala namin kasi matagal tagal pa ako magkakaroon. Mga ilang days after namin mag do ng husband ko, dun na ako nagkaroon. Sumunod na buwan di na ulit ako nagkaron. Akala ko ok lang yun and normal lang since BFM ako. Pero napansin ko nung November parang ang laki ng tyan ko pang 3 months.. I thought busog lang ako or taba lang to ng tyan. But now parang may gumagalaw galaw sa tyan ko, parang sipa. May nabasa ako na cases na akala nila buntis sila kase may gumagalaw galaw din sa tyan nila just like mine. Sabi hangin lang daw sa tyan yun. To check,nag PT ako last month and faded pangalawang line. Di ko alam kung positive or faint line lang talaga sya. Please help, kung sino man nakaranas neto, give me some advice.. thank you!