ADHD na ba to or spoiled lang ang anak ko?

I have 5yo daughter, di pa siya nag aaral. Sobrang likot at kulit talaga. Alam ko may ibang bata rin na super likot, baka mas malikot pa sa kanya. Ang concern ko, hindi siya nakikinig pag sinasaway ko. Naka ilang tawag nako, sinabi ko nang wag gawin, itutuloy parin niya na para bang hindi niya naririnig yung salita ko. Minsan kailangan ko pa lumapit para mapigilan siya sa gagawin niya. Siguro baka ako yung problema? Di naman sa ayaw kong tumayo sa pagkakaupo or pagkahiga pero diba minsan kakalapat palang ng pwet mo sa upuan matapos mo sa mga gawain, tatayo ka nanaman para mag saway. Sobrang pagpapasensya ko talaga kasi hindi (at ayoko) namamalo. Hanggang kaya ko magsalita ng mahinahon (kahit madalas papunta na sa sigaw). Isa pa, pag hindi niya talaga nakukuha ang gusto niya, nagtatantrums siya. Yung simpleng magpatimpla ng gatas kailangan instant. Hindi ko alam kung panu siya kontrolin. Kasalanan ko rin talaga ko, nabababad siya sa TV or computer. Minsan 5-6 hrs or baka nga mas higit pa. May mga araw at oras naman na wala silang screen time (any gadgets) pero mas madalas yung babad talaga 😭 What did I do to my child? 😭 I feel so guilty. 4 kasi sila and may work (at home) pako so medyo hirap talaga ko hatiin ang oras ko sa lahat lahat, lalo pag nagsabay sabay sila ng sumpong.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy wala masama kung ipaconsult mo agad sa DevPed.. based po sa post mo ikaw mismo napapansin na sobrang likot ni LO na dapat at the age of 5 kahit may malikot pa rin mas mahaba na ang attention span at sitting span nila... nung mas baby pa siya natry mo na ipasok sa Daycare or playschool? para sana makita mo kung ok ang attention span niya at makapaglaro siya sa ibang kids.. skl kasi yung 2yo ko toddler age nag pplaygroupclass na.. pinaka bata siya sa klase nila pero pag tinatanong ko teachers niya nakakasabay siya sa mga 3yo at pag pinapaupo sila sa chair para gumawa ng activities nagagawa niya lahat ng nakaupo lang then may time to play sila

Magbasa pa
VIP Member

Hello. According to studies, early introduction to and excessive screen exposure may significantly contribute to the development of ADHD in children. 😕 Sa behavior, my daughter is only 3, sabi ng Pedia they really like pushing boundaries. Sasagarin mo na nila bago sila susunod kasi unconsciously pinagaaralan din nila yung limitations and boundaries imposed sakanila at what will be the consequences or result of going beyond.

Magbasa pa

I'm no expert but first thing that comes into mind is that your child probably just wants to get your attention in the ways she knows how. Like, kung hindi sya nagpapasaway, how much attention do you actually give her? So she might be acting up on that.

VIP Member

There’s nothing wrong seeking advice sa mga behavioral therapist o developmental therapist.

7mo ago

yes, may schedule na kami.