33 Replies
same mi kaso in my case yung kumarr naman ng tita ko na kesyo sinanay daw namin sa pasayaw sayaw na hele para tumahan gusto din ni lo ko na demedede ng nakahele, sinanay daw namin sa ganon so ako naman in my mind sumasagot ako na ano naman kung sinanay namin hindi naman sya ang mahihirapan kapag gusto ni lo na ganon para tumahan sya ang daming say kesyo wag ganto ganyan tas mag one time pa na nilapit nya yung karne sa kaldereta edi yung sarsa napunta sa bibig ng baby ko tas the night non e umiyak ng sobra baby ko edi inisip namin na baka nalasahan nya then sumakit tyan nya 1month palang lo ko non ako naman e nagalit hindi naman sa oa pero alam kong biro para sakanya pero disya yung nahirapan non nung umiyak magdamag si lo unting pigil lang sana sakanya dahil dinaman nya baby at dinamin kamag anak ang dami pang sya dinaman sya yung nahihirapan araw araw at gusto ko naman na ganon si lo nalagi nakakarga kasi one day aayaw nato sa lahat diba chinicherish kolang yung oras kasi alam na alam kong matagal na panahon pa sya masusundan
I feel you mi. Palagi kami nag aaway ng mother ko. I'm a full time-first time mom too. Gusto kong puno ng lambing anak ko sakin. Pag feel ko na need nya ng buhat, ginagawa ko kaagad. Time flies so fast. Pero ung moments na to, minsan lang. Hindi naman sila forever magpapabuhat sa atin e. Tska gusto ko iparamdam sa anak ko ung pagmamahal. Hindi naman iyakin anak ko. Ako kasi ngayon na nag asawa nako, palagi ako naghahanap ng lambing sa asawa ko. Buti nalang malambing din talaga sya. Iniisip ko, siguro nung baby ako, hindi ako nabigyan ng sapat na aruga ng nanay ko. Sunod sunod kasi kaming magkakapatid. Year old lang ang agwat nmin. So gusto ko, iparamdam sa anak ko na hindi sya nagkulang sa pagmamahal. Lalong lalo na galing sakin at sa daddy nya. Ikaw ang nanay mi, kaya ikaw nakakaalam what's best for your baby. Yun lang po. Ingat kayo palagi!
Madami din nagsasabi sakin na ganyan, kesyo ma sspoiled daw ang baby na lagi buhat. Hayaan lang daw umiyak. Di ko nalang pinapansin 😅 Even kasi mother ko sabi nya ganun talaga newborn. 3 kaming anak nya pero never nya daw ginawa ung iiwan kami tapos papaiyakin para makagawa ng gawaing bahay. Kaya ending pag uuwi daw galing sa trabaho ng tatay ko, dun lang sila makakagawa ng gawaing bahay kasi halinhinan kay baby. Pasasaan naman at darating ang araw na di na need masyado ng buhat ng baby. 7mos na baby ko, turning 8mos. Nakakatulog na sya ngayon ng walang hele. Tipong konting tapik lang sa pwet 🥲 Nakakamiss ung magkayakap kami 24/7 tapos tipong matutulog ako ng nakaupo kasi yakap ko sya. Hindi na rin palaging naka latch si baby 🥲
iisa lang naman kaya ganyan ang sinasabi nila. Lalo na kung mag isa ka na nag aalaga and si mister is nag wowork. Kaya nila nasasabi na pinamimihasa ng karga kase po wala ka talaga magagawa sa buong maghapon kapag nasanay sila na karga karga. kahit kumain ka pag kumalansing ang kutsara mo magigising sila. yun siguro ang ibig nya sabihin. Tayo kaseng mga mommies onting iyak lang ayan na si buhat or natataranta na lalo na pag first mom. 🙂 yun siguro ibig nya sabihin. Wala tayo magagawa kung lage nasasanay sa buhat buhat ang bata. Isa pa ang pag iyak sa umaga ay nakakabuti din. Wag naman sobra. sa hapon di naman maganda na iiyak ng iiyak kase baka kabagin daw.
Your baby, your rules, momsh 😊... Ako rin madalas ko binubuhat yung 2 months baby ko. Feeling ko mas nako-comfort sya ng ganun lalo na pag fussy. And ano bang alam ng babies about being spoiled? Mas madali naman na sila turuan pag yung nakakaintindi na sila. But habang di pa nila kaya mag-communicate, nothing wrong with kargahin lagi si baby. May mga modern studies nagsasabi na makakahelp pa nga yun in the long run kasi emotionally secured sila. And I agree, ang bilis lang ng time. Cherish every moment ❤️❤️❤️
Hindi naman pamimihasa yan mommy actually that’s good for newborns and infants kasi nakakatulong yan sa maayos na pagdevelop ng brain nila for better intellectual , emotional and social relationships in the later life pag lumaki na sila, the past 9 months nasa loob sya ng sinapupunan ninyo it’s normal for babies to cry and call for their moms if they dont feel secure enough , cherish every moment with them po , raise your child the way you want and when you know its best for them
Pareho tayo Mii, yakap-yakap ko lagi si Lo maski tulog ayaw pababa, andami din nagsasabi na “masasanay yan, dapat iduyan mo.”, nung una sinunod ko, pero nung panay kinakabag si Lo kakaiyak, natakot ako baka mapano si Lo. Saka 4 to 6 months lang naman ganito si Lo based sa nabasa kong article kaya tiis lng mii, di natin namamalayan naghahabol na tayo sa mga lo natin. Pakatatag sa mga sabi-sabi ng boomers. Mas paniwalaan mo sinasabi ng intuitions mo at magbasa ka ng articles din para mas matuto.
So trueee mi! Lagi din sinasabi sakin nun na wag ko sanayin buhat kesyo mahihirapan daw ako pag nasanay. Di ko sila pinansin, ako naman mahihirapan hindi sila wee. Always ko karga si baby ko basta umiyak, kahit pagod ako okay lang kase saglit lang sila baby, at eto na nga, my 11 month-old ayaw na pakarga, gusto laging nakababa kase nakakalakad na. Bute hindi ko sila sinunod nun ❣️ Naenjoy ko yung moment na lagi ko sya yakap, kase ngayon ayaw na nya ng niyayakap 🤣🤣
Your baby, your rules. Same lang sa “your family, your rules”. Kayo lang ni husband may karapatan magdecide paano niyo aalagaan at palalakihin si baby. If magkamali kayo, wala kayong ibang sisisihin. And if may mga hindi kayo magawa for baby dahil sa sabi sabi ng iba, kayo lang din ang magsisisi sa huli. That’s why it’s good to set boundaries and yun din po yung ikinaganda ng nakabukod at hindi na naasa sa parents specially pag may sariling family na.
same sa matatanda dito sa amin, buti nga nauso yung mga may explanation sa tiktok na okay lang buhatin ang newborn palagi for their development, ayun nabawasan yung pagpansin sa kin pag karga ko si baby. and eto ngayon si baby since bawas na yung pagka iyakin nya (reason kung bakit ko sya laging buhat 😅 grabe kasi iyak ,nagpapause na sya huminga pag pinabayaan) , little by little pumapayag na sya na nakalapag sa higaan or sa stroller .