Dadalhin ko ba sa kanila?
I am 23 y/o working na, yung husband ko is 22 y/o nag-aaral pa. Galit na galit yung mama niya sa akin kasi parang nasira ko daw yung kinabukasan ng anak niya. Hindi ko daw muna pinagtapos bago kami magkababy. Through out my pregnancy, wala kahit singkong duling akong hiningi sa part ng asawa ko, kasi nga student palang siya, I am providing for myself and for our baby. Huling kita ko sa biyenan ko is about 2 months ago. Yung asawa ko, hindi pa dito natutulog samin. Dinadalaw niya lang ako tapos pag hapon uuwi na siya. Yung hindi ko manlang narinig na kinumusta ako ng biyenan ko. Manganganak na ako next month. Dadalhin ko ba yung baby ko sq kanila para makita ng biyenan ko? Or hindi? Thank you! Gets ko naman na galit siya, ganun din naman yung mama ko nung umpisa pero natanggap niya na. Yung biyenan ko kasi pakiramdam ko ayaw na ayaw sa akin 😅